&.&

6 2 0
                                    

Noong kailangan mo nang kasama,
Nandoon ako para damayan ka.
Noong umiiyak ka,
Nandoon ako para may sandalan ka.

Noong araw na gusto mo akong kausap dahil may problema ka,
Nandoon ako para ipahiwatig sa iyo na narito ako at hindi ka nag-iisa.
Noong araw na gusto mo nang sumuko,
Nandoon ako para pigilan ka na sumuko.

Noong araw na lugmok na lugmok,
Nandoon ako para muli kang itayo.
Lahat nang masamang nangyari sa 'yo,
Palaging nandoon ako para may tutulong sa 'yo.

Pero bakit sa huli ay hindi pa rin ako ang pinili mo?
Mas pinili mo pa rin yung taong nanakit sa 'yo.
Bakit siya pa rin?
Bakit ako hindi mo man lang magawang mahalin?

Siya na sinaktan ka lang,
Siya na walang ginawa kundi paluhain ka lang.
Ako na handang isakripisyo lahat sa 'yo,
Pinagtulukan mo papalayo sa' yo, ako pa na naging sandalan mo.

Ito tandaan mo,
Oras na makita ko ulit na pumatak ang mga luha mo,
Kukunin kita sa kanya,
Kahit pa magmukha akong tanga.

Mahal kita kaya hahayaan muna kita sa kanya,
Pero oras na paiyakin ka niya,
Ako na mismo ang gagawa ng paraan,
Para ilayo ka sa kanya at angkinin ka.




-🖋️@EROSSCRIVENER

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now