PROBLEMA

18 2 0
                                    

PROBLEMA

Hindi natin hinihiling,
Pero bigla-bigla na lang dumadating.
Katulad lang ng sakuna,
Agad-agad na lang bumabadya.

‘Yong tipong nag-iisip ka pa lang ng solusyon sa naunang problema,
Mayroon na namang dadating na mas malala.
Sa sobrang dami,
Napapaiyak ka na lang sa may tabi.

Kung sino pa ang walang-wala,
‘Yon pa ang pinupuno ng problema.
Puro na lang ba talaga ‘to ang ating matatamasa?
Bakit hindi na lang ‘to maubos o kaya mawala?

Kailan kaya ‘to magsasawa?
Bakit hindi ‘to mapuksa-puksa?
Minsan nakakawala na ng gana,
Nauubusan na rin ng pag-asa.

Pero sabi nga nila,
‘Yan lamang ay problema,
Makakaya nating labanan,
Basta tayo’y pursigido’t dedikado.

-🖋️@EROSSCRIVENER

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now