&.&

8 2 0
                                    

Miss kita
Aking sinta
Gusto na kitang makasama
Ninanais na mahagkan ka

Isang araw na hindi ka makausap
Katumbas ay isang taon na paghihirap
Sa tawa mo’y naaaliw
Sa ‘yo’y sobrang baliw

Mga halik mong kay tamis
Intens’yon mong kay linis
Pagmamahal sa aki’y labis-labis
Pagpasok mo sa buhay ko’y napakabilis

Sa pagmamahal mo’y lubog na
Hindi na alam kung makakaahon pa
Ako ba’y iyong ginayuma?
O sadyang nabihag lang ako sa taglay mong ganda.

Mahal kita
Wala ng iba
Sana’y maniwala ka
Hindi man tayo magkasama.

Sa aking pagtanda
Pangarap kong ikaw ang makasama
Pag-aalayan ko ng pagmamahal na sobra
Gusto kong makita sa pagpikit at pagdilat ng aking mga mata.



-🖋️@EROSSCRIVENER

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now