PAGPAPARAYA

9 1 0
                                    

PAGPAPARAYA


Pagpaparaya, madaling sabihin,
Pero alam kong mahirap gawin.
Hindi dapat madaliin,
Pero kailangang bigyang pansin.

Isang salita,
Labing-isang letra.
Isang solusyon,
Sa mga relasyon na wala na sa tamang posisyon.

Tanging dahilan kung bakit nasasaktan,
Dahil ayaw ka pang pakawalan.
Marahil ika’y magtataka kung bakit parang hindi kaya,
Mahal, simple lang, dahil mahal kita.

Pagpaparaya, hindi ginagawa dahil sa mga maling hinala.
Nagpaparaya tayo para maibsan ang sakit na ating nadarama.
Dahil sa relasyon na nagkaubusan na ng tiwala.
Puro sakit na lang ang natira, hindi na alam kung makakaahon pa ba.

Oo nga’t masasaktan ka,
Pero pagdating ng panahon ay agad ding mawawala.
Pagod at sakit ang kalaban,
H’wag mag-alala dahil iyo ding malalampasan.

Sakit ang aking pinadama, nararamdaman mo ay hindi ko nahalata.
Mahal tama na, sobrang sakit na ang iyong nadarama.
Kaya ngayon ako’y nagpaparaya na, pinapalaya na kita.
Tama na ang sakit na sayo ko'y pinapadama, nawa’y sa iba mahanap mo ang saya na kailan man ay hindi ko sa ’yo napadama.

Malaya ka na, pinaparaya na kita
Mahal maging masaya ka sa piling ng iba
H’wag sanang mapunta sa wala ang sakit na kumawala,
Saya nalang sana sa ‘yo ay ibigay niya.





-🖋️@EROSSCRIVENER

A/N: A work collaboration with Aina Asteria Ynxio Penscriptor

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now