Chapter 26

12 9 2
                                    

Olivia POV.

"Tignan mo Hon, ngayon ko lang siyang nakitang ganito. He looks so happy with her." I smiled while looking at them in the seashore.

Hinahabol ngayon ni Felix sila Flynn at Sabrina sa dalampasigan at nang madakip niya si Sabrina ay binuhat niya ito inihagis sa dagat. Rinig na rinig mula sa cottage ang tawanan nilang tatlo habang kinikiliti sila ni Felix.

I think there's nothing more a mom could want for her children than to be happy and find a person who will love them wholeheartedly.

"Nakikita ko rin kay Sabrina na mahal na mahal niya ang anak natin. Mabuti nalang nagkakilala sila." Pinisil niya ang kamay ko na nakabalot sakanya.

"Dahil sa Mom mo kung bakit sila nagkakilala, she's one of her doctor."

"Tignan mo sila. Na aalala ko ganyan din tayo kasaya noon." aniya.

"Mas masaya tayo ngayon kasi nandiyan na sila Felix at Flynn, binuo nila ang pangarap natin."

"Bakit hindi natin sila dagdagan?" nakangising saad niya.

Kinurot ko agad siya sa tagiliran.

"Tumahimik ka nga parang ikaw ang mag iire sa bata." irap ko.

"Okay na sayo ang dalawa? Kunti naman, sayang ang mga lahi ng mga Del Fuego."

"Sapat na sakin sila Felix. Matanda na rin ako, tayo. Matanda na tayo. Sila Sabrina na ang magpaparami ng mga Del Fuego. Kaya na nila iyan." sabay halukipkip ko.

My eyes sparkled with excitement as i watched them. Sana makaka abot pa ako sa mga apo ko. I can't wait to see them. Pero minsan napa isip ako kung handa ba ako na tawaging lola. But, Lola sounds too old, how about Mimi? Memaw? Mema? Grams? Big Mama? Argh, sumasakit ang ulo ko. Sign na siguro ito pag matanda na tayo.

"Hon? Are you okay?"

I snapped out of my thoughts and looked at George staring at me with a confused look. Napasobra siguro ako sa pag iisip.

"Huh? You were saying something?"

Huminga siya ng malalim ng malaman na hindi ako nakikinig sakanya. "Sabi ko, may napansin ka ba kay Sabrina?"

Tinignan ko naman si Sabrina na gumagawa ng Sand Castle kasama sila Felix. Nagtagpo ang mga kilay ko pilit na sinusuri si Sabrina.

"Hmmm wala naman bakit?"

Binalik ko ang tingin ko kay George na ngayoy nakatingin parin sa gawi nila Sabrina.

"May napansin lang akong kakaiba kay Sabrina...." halos pabulong niyang sambit.

"At ano naman ang napansin mo sakanya?" i got curious.

"Hindi ako sigurado, naguguluhan ako." sabay iling niya.

Marahan kung sinandal ang ulo ko sa dibdib niya saka huminga ng malalim.

"Let's be happy for them. Ang importante ngayon ay masaya na si Felix. Ito lang ang hinihintay ko na magkakasama ulit tayo kahit isang araw man lang." nakangiti kung saad.

Wala ng oras sa amin si Felix halos nakakulong na ito sa opisina niya. Minsan niyaya namin siya pero palagi itong tumatangi, masakit man para sa amin mga magulang pero wala kaming magagawa. Malaki na siya eh.

As a parent we need to support them. We don't have to agree with their decision, but love them unconditionally. Also, support them no matter what their choice of partner. Ngayong nandito na si Sabrina, nararamdaman ko na ang pagbabago ni Felix. Kung ano man ang iniisip ni George kay Sabrina, sana wag niya lang iyon tuonan ng pansin kasi nakikita ko rin na napakabuting asawa ito kay Felix.

Fragile Heart Where stories live. Discover now