Chapter 1

58 33 5
                                    

Sabrina POV.

"We need to annul." 

Annulment? Alam ba niya kung magkano ang pera para mag pa annulled? Saan naman ako hahanap ng pera pang gasto? Sana pala hinayaan ko nalang siyang magpakamatay, ay joke. Ayokong maging byuda, ang bata ko pa para maging byuda ng maaga.

"Nagbibiro ka ba? total ikaw naman ang may gusto mag pa annul, gawin mo ang gusto mo. Wala akong pera para diyan." I breath heavily and leaned against my chair.

He is insane. Kaya pala gusto itong tumalon kanina kasi wala na ito sa pagiisip, pero infairness gwapo pala itong si Felix.

"Money is not a problem Ms. Sullivian, kilala mo naman siguro ako. I just need your help, ako na ang bahala sa gastusin." aniya.

I stared at him for a second before slowly nodding. Siya ng nagsabi na siya na daw ang bahala, edi bahala siya.

"Are you really that desperate to be with me? Kaya ka pumirma sa form na hindi mo binabasa?" mariin niyang wika.

Natuliro ako sinabi niya. Oo naging interesado ako sa sinasabi ni Ma'am Carolina tungkol kay Felix. Pero hindi ko inaasahan na ganito pala ang ugali niya.

"Excuse me? bakit parang ako pa ang may kasalanan dito? Ma'am Carolina made a deal with me. Sabi niya papasukin niya ako ng trabaho dito sa Del Fuego pagmakalabas siya sa hospital, kaya may pinapapirma siya sa akin ng kontrata. Hindi ko alam na isa pala iyong marriage contract." I rebuked.

"..at hindi sana iyon matutuloy kung hindi mo din pinirmaham pabalik, but you make it worse." I added.

"This is all her fault..."mahinang sambit niya. Alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya kundi ang kanyang Lola na si Ma'am Carolina.

May gana pa siyang sisihin ang wala na dito sa mundo.

"Why did you blamed someone who is no longer here? Wala na siya Felix at kung may sisihin man dito sa atin ay tayo iyon." ani ko.

Matalim niya akong tinignan sa mata. Kahit nakakatakot ang mga tingin niya ay pilit ko ring tinatatagan ang sarili ko para labanan ang kanyang mga tingin.

Naputol ang mga tingin namin sa isa't isa ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na halos makita na ang kaluluwa niya. Papalit-palit ang tingin nito sa amin ni Felix na parang nagulat na makita ako.

"Hindi ka ba marunong kumatok Ms. June?" Inis na sambit ni Felix.

"I-Im sorry Sir, pero may problema po tayo... nawala po ang shares natin." kinakabahang sambit ni Ms. June. na sa tingin ko ay secretary niya ito.

Halos mapaigtad ako sa gulat ng hampasin ni Felix ang mesa sa harapan ko.

"What?! Sinong gumawa nito? Magkano ang nawala?! This is bullsh*t!"

"H-Hindi pa po nila alam kung sino ang gumawa non and we lost 10.9 billion pesos-"

"WHAT?!!!"

Nagulat kami pareho ni Ms. June sa pagsigaw ni Felix. Halos sasabog na ito sa galit basi palang sa mukha niya. Nagsimula na rin akong kabahan sa nakikita ko ngayon sakanya.

"Felix, calm down..." mahinang wika ko.

"CALM DOWN?! HOW CAN I CALM DOWN?! I LOST BILLION OF MONEY. KAHIT MALIIT LANG ANG PERANG NAKUHA NILA, PINAGHIRAPAN KO PADIN IYON." tumayo na ito sa pagkaupo.

Biglang nanuyo ang lalamonan ko sa sigaw niya. Tama nga siya, malaki-laki rin ang nawala sakanya.

"Ayokong bumagsak ang kompanya na binigay sa akin." dugtong niya saka bumalik sa pagkaupo. His hand went up to his collar and started to loosen his tie.

Fragile Heart Where stories live. Discover now