Chapter 12

27 23 0
                                    

Ilang minuto ang lumipas bago natapos ang haponan. Naging maayos din kami sa Daddy niya at humingi ito ng dispensa sa akin. Naintindihan ko din naman kung bakit niya iyon nasabi kanina.

Napag desisyonan namin ni Felix na umuwi bago pa tuluyang lumalim ang gabi.

Nagsuot na si Felix sa kanyang Jacket at kinuha ko na din ang mga gamit ko. Lalabas na sana kami ng bumaba ang Mommy ni Felix sa hagdan kaya napatigil kami pareho ni Felix.

"Mukhang hindi kayo makakauwi uwi ngayong gabi, kasi ang lakas na ng ulan sa labas."

Lagot na, sabi ko ni Hugo na hindi na ako magpapa gabi. Tingin ko hinahanap na niya ako ngayon, kailangan ko talagang umuwi.

"We will go home" I said near in his ear. Halos natingkayad na ako para maabot ang tenga niya.

Alam kung hindi din ito sang ayon sa sinabi ng Mom niya basi palang sa kinikilos nito na hindi mapakali.

"Felix, halika na. Sabihin mo na uuwi tayo." Bulong ko ulit. Kulang na lang hilain ko ang braso ni Felix.

Malalim itong nag iisip kung ano ang isasagot niya sa Mommy niya.

"Mom, Dad. Okay lang po, uuwi lang kami ni Sabrina. Maaga pa kasi kami bukas sa trabaho."

"No, hindi pwede dito lang muna kayo son. Mukhang may bagyo, magpapalipas muna kayo dito ng gabi. We actually prepared a room for you and your wife." wika ng Daddy niya.

Nagsitinginan kaming dalawa ni Felix sa isat isa bago ko siya pinalakihan ng mata at pilit na ngumiti para hindi halata sa mga magulang niya.

"Kailangan talaga naming umuwi Dad. Maaga pa kasi itong si Sabrina sa trabaho niya-"palusot niya.

"Mataas na ang baha sa daan anak, napakadelikado ng mag drive ngayon. Dito nalang muna kayo magpa gabi." saad din ng Mommy niya.

Bubulong pa sana ako kay Felix ng lumapit na ito sa gawi namin.

Sumilip ako sa labas nagdadasal na titigil na ang ulan.Nag alala na ngayon si Hugo sakin, ito kasing dinner ng mga Del Fuego may pa drama pa eh ayan tuloy natagalan kaming maka uwi.

"Mom, mag uusap lang po kami saglit ni Sabrina." He said as he guiding me to their kitchen.

Nang makalayo na kami sa mga magulang niya. Humarap na agad ako kay Felix.

"Uwi na tayo Felix. Kaya pa iyan ng kotse mo, halika na. Wala lang iyang baha sa kotse mo diba." kumbinsi kung sambit sakanya.

"As much as I want to go home too Ms. Sullivian, we can't. Pag ayaw nilang pauwiin tayo, ayaw talaga nila.Kahit ilang beses pa tayong magpalusot, sila pa rin ang masusunod. " Inis nitong saad.

"Pano na to?." bulong kung saad.

Biglang may lumapit na maid saamin kaya agad kaming napayaos ni Felix.

"Sir, Madam? Hatid ko na po kayo sa kwarto niyo."

Wala kaming choice kundi sumunod sakanya. We followed the maid until she opened a room. Nilibot ko ang paningin sa loob para na itong bahay kalaki. Lahat maayos at kompleto ang kagamitan sa loob. 

"Okay lang ba kayo dito? Or do you want to see other rooms?" sabi ng Mommy niya na nakatayo ngayon kasama ang asawa niya na nasa kanyang likuran.

"O-Okay na po kami dito. Saktong sakto napo ito para sa amin. Napakaganda nga, maraming salamat Mrs. De Fuego for letting us-"

"Tawagin mo nalang kaming Tito at Tita, Sabrina. Since asawa ka naman ng anak namin, parti ka na rin ng pamilya dito." ngiting saad ng Daddy niya. 

I was too stunned to speak. Pati si Felix ay napabaling ito sa aming gawi. Ang gaan sa pakiramdam na may tatawagin na akong tito at tita.

Fragile Heart Where stories live. Discover now