Chapter 13

25 23 0
                                    

Malapit kung mabitawan ang cellphone ni Felix ng marinig ko ang malamig niya boses sa likuran.

Malalim akong lumunok ng nakatayo ito na may hawak na tuwalya sa kaliwa niyang kamay. Nakabihis na ito tila bago pa itong natapos sa pagliligo.

Ang bilis naman niyang matapos.

"K-kanina pa kasi may tumatawag. I didn't mean to look at your phone." nauutal kung wika. 

Nakikita kung pagiitim bagang niya. There was a stir far down in the set glare of his eyes. Mabilis siyang lumapit sakin bago hinablot ng mabilis ang cellphone niya sa kamay ko.

"Who told you to touch my phone."mariin niyang wika. Na estatwa ako sa lapit ng distansya naming dalawa. Ilang beses akong napalunok at kumurap kurap sa kaba.

"I-Im sorry, kanina pa kasi tumatawag si Amber." while trying to avert my eyes at his stares.

"Wag kang mangingialam kung tatawag si Amber sa akin. May balak ka ba na sirain ang relasyon naming dalawa?!!"

Para akong nabingi sa pagsigaw ni Felix sa akin. Mahal na mahal talaga niya si Amber. Parang kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya.

"Bakit palagi ka nalang nangingialam sa buhay ko! Even my fiancee pinakikialam mo!!" Giit niya.

Tila nahihilo ako sa huling sinabi niya. Sumikip ang dibdib ko at napahabol sa aking hininga. Pilit kung kumawala sa pagkahawak niya at saka siya tinulak ng malakas. Pinilit kung lumakad papalit sa bag ko bago kinuha ang gamot ko.

Lihim ko iyong tinago ang mga gamot ko sa aking kamay saka tumakbo papunta sa banyo. Narinig ko pang tumawag sa akin si Felix pero hindi ko na siya nilingonan pa.

Nanginginig ang mga kamay kung ininom ang mga gamot ko sa loob ng banyo. Napaupo ako sa palikuran saka napahawak sa pader upang gabayan ang katawan ko. Marahan akong humihinga ng malalim hanggang bumalik ulit sa normal ang paghinga ko.

Napahilamos ako sa mukha ng ma alala ang nangyari kanina sa akin. Tumingin ako sa salamin ng mapansin ang luhang pumatak sa aking pisngi.

Ano ba ang ginagawa ko. Muntikan ko ng nilagay ang sarili ko sa kapahamakan.

Napabalik ako sa pag iisip ng may kumatok sa pinto.

"Sabrina?...."

Pinunasan ko ng mabilis ang sarili ko saka pilit na ngumiti sa salamin. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pintoan.

Okay lang iyan Sab, just breath.

"Sabrina... I'm sorry-"

Matipid ko siyang binigyan ng ngiti bago ko siya nilagpasan. "Magpahinga na tayo."

Lumakad ako pabilis patungo sa sofa na saktong sakto para sa higaan ko. Dito nalang muna ako, alam ko namang doon siya sa kama matutulog.

"Ako na matutulog diyan." saad niya.

Napahinto ako sa pag hahanda ng higaan ng lumapit ito sa sofa saka mabilis na umupo ng para hindi ko na siya maunahan pa.

"Doon ka na sa kama mas komportable don." aniya.

Ano to ang ginagawa niya? Is this an apology?

Tanging tango lang ang nasagot ko sakanya ayoko na kasing makipag debati pa. Nakakatakot kasi siyang magalit abot hanggang hindi lang buto pero puso ko din.

Humiga ako sa malambot na kama. Pumikit na mariin saka niyakap ang unan.

"Pasensya na sa ginawa ko kanina..."rinig kung sambit ni Felix mula sa sofa. "Nadala lang ako sa...."

Fragile Heart Where stories live. Discover now