Chapter 8

31 27 0
                                    

"Ako na diyan, manood ka nalang sa sala.." sabay agaw ko ng plato na hawak ni Hugo.

Mukha kaming mga batang nag aagawan ng isang candy ngayon ni Hugo. Nagpupumilit kasi siyang maghugas ng pinggan.

"Ako na kasi, ikaw nalang palagi  ang nanghuhugas sa mga kinain natin. Sge na umupo ka na sa sala." sabay hila ko sa plato na hawak niya.

Madali din niya iyon hinila pabalik sakanya. "Ako na kasi. Dalawang plato, dalawang kutsara, tinidor, at dalawang baso lang naman ang huhugasan ko."pabibilang niya.

Hinila ko ulit ang plato sakanya. "Kaya nga, di naman marami ang huhugasan ko kaya ako muna maghugas."

Huminga si Hugo ng malalim pilit na kinakalma ang sarili niya sa inis. Pinapagalitan rin ako minsan ni Hugo dahil sa tigas ng ulo ko. Ayaw kung lang naman na maging pabigat dito sa bahay niya.

"Nasanay na ako Sab.Hindi na kompleto ang araw ko kapag hindi na ako makakahugas ng pinggan."

Tumawa ako ng mahina sabay hampas sa kamay niya nakahawak sa plato na hinahawakan ko rin. "Alam kung pagod ka na sa trabaho mo. Andami mo kayang pasyente na inaalagaan kanina. Magpahinga ka na sa sala o matulog ka nalang."

"Sabrina Faye Sullivian, wag ng matigas ang ulo." He said softly as he took the plate on my hand.

"Hugo-"

Napatigil kami ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tumingin kami sa isat isa ni Hugo bago ako bumuntong hininga.

"Sagotin mo na ang cellphone mo." saad niya bago binuksan ang gripo sa lababo.

I walked towards my phone. Tinignan ko muna ang tumawag kaso number lang ang nakalagay. Lumayo muna ako sa gawi ni Hugo saka ko ito sinagot ang tawag.

"Hello?" I started.

"Iha? Sabrina? Ikaw ba to?"

"Mrs. Del Fuego?"

Lumakad pa ako palabas ng bahay baka marinig pa ni Hugo ang pag uusap namin.

Dahil rin sa pagkabusy sa kanyang hospital, mukhang nakalimutan na rin yata niya ang tungkol doon.

"Mrs. Del Fuego, napatawag po kayo?"

"Kanina pa kasi ako tawag ng tawag kay Felix pero hindi siya sumagot. Kasama mo ba siya?" She groaned.

I blinked twice. Anong sasabihin ko? Ni hindi ko alam kung anong ginagawa ni Felix ngayon.

"Uhm umalis kasi siya kanina. Sasama daw siya sa mga kaibigan niya....para mag birthday." pagsisinungaling ko.

Wala na kasi akong maisip ng ibang palusot sa Mommy niya.

"Birthday? Wow, isang himala ito para sakanya. Hindi kasi siya hilig dumadalo ng mga ganyang okasyon."

Napasapo ako sa noo ko. Lagot na, hindi pala siya hilig pumupunta ng birthday.

"G-Ganon ba? Excited pa nga siya ngayon pumunta sa kaibigan niya..." Napakagat ako ng labi.

"Bakit hindi ka niya sinama? Ito talaga ang anak ko hindi marunong magyaya sa asawa niya. Pasensyahan mo na siya ha kasi hindi iyon marunong pagdating sa babae eh. Di ko talaga alam kung bakit may plano pa siyang mag pakasal kung hindi naman siya marunong maging isang asawa." saad niya.

Tama po kayo, hindi siya marunong maging asawa. "Uhm okay lang po, sanay na po ako kay Felix."

"Don't worry, pagsasabihan ko iyon iha. Nga pala punta kayo dito sa bahay bukas, let's have a dinner together. May inihanda akong pagkain para sainyo"

Napakati ako sa buhok ko. Bukas agad? "Uhm okay po Mrs. Del Fuego, sasabihin ko po kay Felix."

"We are expected you to be here okay? At e save mo rin itong number. Ingat kayo ni Felix at mag enjoy din kayo paminsan minsan." I heard her chuckled.

"O-Okay po, ingat din po kayo." Huling sinabi ko bago nawala ang kanyang linya.

Napahilamos agad ako sa mukha gamit ang dalawang kung kamay. Bukas na agad? Hindi pa ako handa pumunta sa bahay ng mga Del Fuego. Tumingala ako sa kalangitian saka pumikit.

"Sino iyong tumawag?"

Lumingon ako sa likuran ko kung saan nakatayo si Hugo habang nagpupunas ng towel sa kanyang kamay na para bang bago lang itong kakatapos. Wow ang bilis...

Magsasalita na sana ako ng inunahan niya ako diretso.

"Tungkol ulit ba iyan sa napangasawa mo?"

Lumunok ako ng malalim bago kumurap kurap sakanya na ngayoy naghihintay sa sagot ko.

Lumakad ako papalit sakanya." Ano kasi Hugo..."

"Alam ko lahat tungkol sainyo Sab, akala mo ba hindi ko alam?." walang emosyon niyang wika.

"P-Paano mo nalaman? Sabihin mo nga kung sino ang tinutukoy mo. Kung talagang tama nga ba ang hinala mo." Hinahamon ko siya na may pangagamba.

Nakita ko siyang napaiwas sa akin at tumawa ng mahina. "None other than Mr. Del Fuego, anak nila Olivia at George Del Fuego."

Nalaglag ang panga ko sa pagkahula niya. Nawalan ako ng boses kung ano ang unang sasabihin ko sakanya, kung paano niya nalaman.

"Hey relax Sab ang puso natin kumalma ka lang. Sa tingin mo ba na binabalewala ko lang iyan ang tungkol sa asawa mo? Sainyo ni Felix?"aniya.

"Hindi ko naman hahayaan na wala man lang akong alam sa takbo ng buhay mo. Simula pa lang noong sinabi mo sa akin, gumawa na ako ng paraan para malaman ko iyon." dagdag niya.

Napayuko ako sa hiya dahil sa paglilihim ko kay Hugo. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko dahilan para mapa angat ko ang mukha ko sa kanya.

"Hindi mo naman kailangan itago pa sa akin Sab eh. Nakikita ko rin naman na iniingatan mo ang sarili mo. Diba sabi ko sayo, makikita lang kitang masaya doon ako."

"Natatakot lang ako baka ayaw mo kay Felix..." ani ko.

"To he honest ayaw ko talaga sa kanya. Sa dinami dami ng lalaki sa mundo ang Del Fuego talaga ang napangasawa mo. Alam naman natin kung sino sila hindi ba? Ayoko lang na madamay ka pa, baka anong mangyari sayo."

"Sge lang, after sa annulment namin ni Felix tatapusin ko na rin ang connection ko sa mga taga Del Fuego." mahina kung wika. 

"Baka mahulog ka sakanya ha."

"Anong mahulog? Imposible na iyang mangyari."sabay iwas ko ng paningin.

"Hmm sa tuwing kasama mo siya umuuwi ka dito na nakangiti. Di pa ba iyon nahuhulog?"

"Alangan mang iiyak ako dito uuwi ha."

Mahina siyang tumawa saka nilagay ang kamay niya sa balikat ko at tinakip. "Basta tandaan mo na nandito lang ako para sayo. Sasamahan kita hanggang matapos ang annulment niyo ni Felix." matipid siyang ngumiti. "Iyong mga bawal sayo Sab pakiusap tandaan mo rin iyon, kasi hindi na ako palaging nasa tabi mo kundi si Felix na."

Marahan kung hinila si Hugo para yakapin siya. "Dito parin naman ako uuwi hindi sakanya..."

Ramdan ko ang pagyakap din niya pabalik sa akin. "I don't know what I will do with Felix if he hurts you..."

Fragile Heart Where stories live. Discover now