Chapter 2

40 31 5
                                    

"What?! Anong sinasabi mo na may asawa kana Sabrina?!" gulat na tanong ni Hugo sa loob ng opisina niya.

Napahilamos ako sa reaksyon niya. Hindi ko naman pwedeng itago kay Hugo ang nangyari. Alam kung malalaman din niya ito.

Si Hugo lang kasi ang meron ako and we promised na wala kaming e lilihim sa isat isa.

"P-Paano? Anong? B-Bakit? Sabihin mo nga sa akin, sino ang lalaking iyan? Pupuntahan natin ngayon." agad itong tumayo para lumabas sa pinto.

Agad ko namang hinawakan ang braso niya para patigilin siya.

"Sandali lang, umupo ka nga muna saglit. Let me explain bakit nangyari lahat ng ito. Kahit ako nabigla din, ang tanga tanga ko kasi."

Huminga siya ng malalim bago ito bumalik sa pagka upo niya kanina. "Don't blame yourself Sab. Tell me everything bago pa ako ma ubosan ng pasensya."

I start explaining to him, everything. Simula nagkakilala kami ni Ma'am Carolina hanggang sa pagbigay sakin ng form na akala ko isang deal pero hindi pala.

"Apo kasi siya ni Ma'am Carolina. Gumawa siya ng deal pero hindi ko alam na hindi pala iyon isang deal, it's a marriage contract."

"You mean Carolina Del Fuego?" diretsong tanong niya.

Mapait akong ngumiti sakanya at tumango.

"She's Doc. Ramirez's patient right? Iyong katapat ng kwarto mo?" saad niya.

"Oo siya nga, but sadly she passed away..."

Nagiba ang expresyon sa mukha ni Hugo pagkatapos niyang marinig ang pagkawala ni Ma'am Carolina.

Marahan niyang kinuha ang mga kamay ko na saka niya binalot sa kanyang mga kamay. "Sab, alam mo naman na natatakot ako para sayo...

Umiwas ako ng tingin sakanya at huminga ng malalim. Ayokong pinapa alala ulit niya na natatakot ito para sa akin.

"May sakit ka Sab at kailangan ko pa iyong gawan ng paraan. Let me talk to this guy, ayokong madamay ka pa sa kaguluhan nato." mahina niyang saad.

Nagsimulang magtubig ang mga mata ko saka bahagyang umiling sakanya. Ayoko, di ko kaya.

"H-Hindi Hugo. Ayokong malaman ng ibang tao ang sakit ko, hayaan mo nalang ako kahit ngayon lang. I promised walang mangyayari sa akin." ani ko.

"Sab, kailangang malaman ng lalaking ito ang sakit mo. Getting an annulment is not easy and you're putting yourself in danger. You're putting your heart at risk." He said.

Napayuko ako sakanya para itago ang nang babagsakang luha galing sa mga mata ko.

"Gusto ko lang naman mabuhay katulad ng ibang tao. Walang pumipigil sakanilang gusto, they are free to do whatever they want. Alam kung komplikado na ang buhay ko, anytime mawawala ako..." pinunasan ko ang luhang kumawala sa aking pisngi.

"Shhh, wag kang magsasalita ng ganyan.."

Inangat ko ang tingin sakanya. "Hugo, kahit ito nalang. Wag muna natin sabihin na kahit sino ang tungkol sa akin. Mag iingat ako para sayo..."

"Sab..."

"Please Hugo, mag iingat ako." I assured him.

Lumapit si Hugo sa akin para yakapin ako.
"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari sayo, Sab. I already lost someone I loved, ayokong mawala ka din." he whispered.

Diniin ko ang yakap niya sa akin. "Thank you Hugo. Thank you, di ako mawawala sayo."

Doctor ko si Hugo noong bata pa ako. He is my General Cardiologist, dinala niya ako sa bahay niya ng malaman na hindi na ako binalikan ng mga magulang ko sa hospital.

Fragile Heart Where stories live. Discover now