Chapter 16

31 21 4
                                    

Hugo POV.

After the conference meeting, nagsibalikan narin lahat sa kani-kanilang trabaho. Lalo't lalo na ako dahil meron pa din akong mga pasyenteng naghihintay sa akin.

"Lola ito napo ang gamot niyo, inumin niyo po ito tatlong beses sa isang linggo po para hindi po kayo mahihirapan sa paghinga ninyo." Malumanay kung saad.

"Maraming-maraming salamat Doc. Mahirap na talaga pag matanda na tayo, ang daming ng sakit na dumarating."aniya.

"Okay lang po iyan Lola. Maganda parin naman po kayo. Matanong ko lang po, kayo lang po ba dito? Nasaan po ang mga anak niyo o asawa niyo po?" Napansin ko kasi na wala kahit isang taong gumagabay sakanya dito.

"Wala na po akong asawa, namatay na siya apat na taon na ang nakalipas. Meron akong mga anak pero mukhang kinalimutan na nila ako. Ang kasama ko nalang sa bahay ay ang apo ko kaso nasa skwelahan siya ngayon kaya ako lang mag isa ang pumunta dito." saad niya.

"Ganon ba, sge ho ako na po bahala magbigay sainyo ng mga gamot lola huwag niyo na po ninyo iyong alalahanin." ani ko.

"Naku Doc. Napakabuti mong Doctor dito Maraming salamat, pagpalain ka sana ng Diyos." Hinawakan pa niya ang kamay ko sabay nagpapasalamat.

"Tungkolin ko lang po bilang Doctor ang pagsilbahan ang mga pasyente ko." Nakangiting sagot ko.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nagpasya na akong bumalik sa opisina pagkatapos kung maubos lahat ang pasyente ko ngayong hapon.

"Come in." saad ko ng may narinig akong kumatok sa pintuan ko.

"Ang workaholic naman ni Doc."

Napa angat ang tingin ko ni Doc. Falcon na kadadating lang.

"Don't you have any work Dr. Falcon?" tanong ko sakanya.

"Actually it's 6:14pm na, out ko na ngayon."saad niya bago ito umupo sa upoan sa harapan ko.

Napahinto agad ako sa pagbabasa ng mga  results ng pasyente ko at agad tumingin sa aking relo.

"6pm na pala." bulong ko. Hanggang 6pm lang ang duty ko dito. Hindi ko na napansin ang oras sa sobrang pagbabasa ko ng mga records at results sa mga pasyente. Hayss. 

"Yeah, out na natin. Tingin-tingin din kasi minsan sa orasan." aniya na may halong pangbebwesit.

"So why are you here?" sabay sinara ang files ng results sa aking mga pasyente at tumingin sakanya.

"Yayain sana kitang mag relax, may alam akong lugar." ngising saad niya.

Umiling lang ako saka tumayo para ilagay ang mga files sa cabinet. Wala akong oras para mag relax, ang dami ko pang gagawin.

"You know what, sometimes you need to give time to yourself Doc. You just said it earlier in our conference meeting that life is too short diba? kaya wag mong lunurin ang sarili mo sa trabaho. Maaga pa naman, halika na." aniya.

Tama nga siya, minsan napapabayaan ko na ang sarili ko. Dahil sa dami ng pasyenteng hinahawakan ko parang wala na akong oras pa sa aking sarili.

Gusto ko sanang umayaw pero parang uhaw na din ako. Hindi ko na matatandaan kung kailan ako huling uminon.

Kinuha ko muna ang cellphone ko saka tinext si Sabrina, magpapa alam lang sana ako saglit sakanya baka nakakauwi na siya ngayon sa bahay.

Umalis kami ni Jaime at nagtungo diretso ng bar na sinasabi niya. Grabi din kasi itong si Jamie uminom. Doctor ito sa ugma, gunner ito sa gabi napaka multi-tasker.

Ilang minuto ang nakalipas na nag iinuman kami ni Jaime sa bar.  Medyo umiikot na ang paningin ko ng ilang beses kaming nag order na maiinom.

Sinisigurado din namin na maayos ang kinilos namin dito sa bar kahit malasing kami kasi isa kaming mga Doctor sa isang private hospital. Ayaw namin iyong masira dahil sa kagagawan namin dito.

Fragile Heart Where stories live. Discover now