Chapter 9

26 27 0
                                    

"Sa wakas, makakaharap ko na iyang si Felix Del Fuego." seryosong saad ni Hugo na aakmang lalabas ito sa kotse niya.

"Hoy hoy teka lang. Saan ka pupunta? Dito ka lang sa kotse."pagtigil ko sakanya.

Napasimangot siya sa kanyang mukha bago huminga ng malalim. Gusto kasi itong makita at makilala si Felix harap harapan.

"Balik ka agad dito. Pag umabot ng 30 minutes hindi ka pa bumalik, papasok ako sa loob." sabay set nito kanyang relo.

"Kahit 20 minutes pa iyan nakabalik na agad ako sa dito." biro kung ani bago mabilis na tinangal ang seatbelt ko at mabilis na tumakbo palabas.

"Talaga lang ha-HOY MARYOSEP SABRINA LUMAKAD KA LANG WAG KA NGANG TUMAKBO. AKO PA UNA ANG AATAKIHIN NG PUSO KESA SAYO!" sigaw nito sa loob ng bigla akong kumaripas ng takbo papasok sa building.

Dahil sa dami ng taong napalingon sa pagsigaw ni Hugo. Nahihiya na akong lumingon pa sakanya kaya binagalan ko nalang ang paglalakad ko papasok at nag peace nalang nalang patalikod.

"Nandiyan ba si Mr. Del Fuego?" hinihingal kung tanong sa Secretary niya.

"He is busy, nasa meeting siya ngayon." She said as she wrote something on the paper.

"Okay lang ba if maghihintay nalang ako sa office niya?" aniya.

Tumigil siya sa pagsusulat saka inangat ang mukha niya para tignan ako.

Puno ng make up ang kanyang mukha, sobrang mapula ang labi nito na tila inubos yata niya ang lipstick. Secretary ba ni Felix ito or clown? Ay sorry...

"Parang madalas na kitang nakikita dito? Isa ka rin ba sa mga babae na dinadala ni Mr. Del Fuego sa opisina niya?" aniya na ikagugulat ko.

"Teka babae? Hindi ah, may sasabihin lang ako sakanya." ani ko. 

Tumayo siya sabay pinag crossed ang braso nito sa dibdib.

"Then tell it to me, tungkol saan ba iyan?  ako nalang ang magsasabi sakanya para hindi na siya ma didisturbo pa." Taas kilay niyang saad.

"Ay hindi na po, maghihintay nalang ako dito sa labas." tipid ko siyang ngitian bago tumalikod sakanya para maghintay kay Felix.

"Why are you so desperate to see him? I am his secretary, kung may sasabihin ka, sabihin mo nalang sa akin." Irita niya.

"Sa amin lang kasi ito ni Mr. Del Fuego..."

"Ms. June? Ms. Sullivian? May problema ba dito?" Napalingon kami pareho kay Felix na bagong dating at may hawak itong kape.

"Felix I mean Mr. Del Fuego-" i was cut off when his secretary spoke.

"Sir, kanina pa po siyang nagpupumilit na makasapok sa opisina niyo. Gusto ka daw niya po makita." as she rolled her eyes at me.

"Hihintayin lang naman kita doon sa opisina mo, sabi kasi niya na nasa meeting ka daw."

Nakita kung pinalakihan ako ng mata ng secretary niya bago siya umirap sa akin.

"Meeting? I'm not in a meeting, I just went to grab my coffee." Wika ni Felix bago tinignan ang secretary niya na nakayuko ngayon.

"Ms. June, ayoko ng maulit pa ang nangyari." malamig niyang saad.

"Y-yes po Sir, pasensya na po. Hindi na po mauulit." 

Then he turned his gazed at me "Ms. Sullivian, wala akong ma alala na pinapapunta kita dito."

"M-May sasabihin lang po ako sainyo....na importante." mabagal na bigkas ko.

Malalim akong tinitignan ni Felix na para ba sinusuri kung ano ang sasabihin ko sakanya.

"Make sure na importante iyan, marami pa akong gagawin. Let's talk to my office." ani niya sabay talikod sa akin.

20 minutes lang ang hiningi ko kay Hugo bago ako makabalik. Nasa 30 floor pa ang opisina ni Hugo, nasa tuktuk nitong building.

"Mr. Del Fuego?!"pagtigil ko sakanya.

His forehead knot when he turned to look at me.

"Di na siguro ako papasok sa opisina niyo nag mamadali kasi ako ngayon. Pwede po ba-"

"Fine, let's talk somewhere else. Nagmamadali rin ako. Sumunod ka." Saad niya bago ito lumakad.

Sinundan ko lang siya hanggang tumigil kami sa pinaka gilid ng building. Walang masyadong tao ang dumadaan doon.

"Okay talk. I will give you 5 minutes." sabay tingin sa kanyang relo.

Napalaki ang mata kung marinig ang sinabi niya. "5 minutes? Inoorasan mo ba ako?" Daig pa ito ni Hugo maka oras sa akin.

"Ms. Sullivian, may importante pa akong gagawin kesa makipag usap sayo. Start, the clock is running." He said as he crossed his arms.

"Teka, teka, teka lang. I am your wife, we are mar-"

"We are accidentally married" he corrected.

"Hindi pa ako tapos. Kahit na hindi iyon sinasadya na makasal tayo. Asawa mo pa rin ako kaya wag mo akong orasan. O kahit man lang respetohin mo ko bilang tao. Hintayin mo nalang bago matapos ang annulment natin." matapang kung ani.

"Time is up. You waste your time Ms. Sullivian." Bago niya ako lagpasan. 

Something snaps inside me bago ako magsalita. "Tinawagan ako ng Mommy mo."

Napatigil ito sa paglalakad at mabagal na lumingon sa gawi ko na nakakunot ang noo. 

"What did you say? Tumawag ang Mommy ko?" dahan dahan siyang lumakad sa akin papalapit.

I raised my chin and looked at him with a blank face. I crossed my arms and raised my brow as he walked towards me.

"I don't have time right? Ikaw na bahala kung ano ang sasabihin mo sa Mommy mo. "bago ko siya nilagpasan.

"Ms. Sullivian..."malalim nitong saad.

"May naghihintay pa sa akin sa labas. Mas importante pa kesa dito." Patuloy parin ako sa paglalakad.

"Bumalik ka dito, ano ang sinabi ng Mommy ko."

Patuloy parin ako sa paglalakad, narinig ko rin ang mga yapak niya sa likuran ko. Hindi ako madaling ma inis sa tao pero itong si Felix inubos niya ang pasensya ko.

"Bibigyan ulit kita ng oras para magsalita." ani niya habang sumusunod sa akin.

"Why don't you call your Mom." ikli kung saad habang patuloy pa rin sa paglalakad na hindi siya nililingon.

"Bakit hindi mo nalang sabihin sa akin." Puno ng frustrasyon ang boses niya.

"Sabrina!"

"You have all the time to talk to me"

"Sino ba ang naghihintay sayo sa labas"

"Asawa kita kaya kausapin mo ko."

Napatigil ako sa huling sinabi niya sakin. Bahagya akong lumingon sakanya na ngayoy humihinga ng malalim.

Marahan akong huminga. "Niyaya tayo ng Mommy mo na mag dinner bukas. Ilang beses siyang tumawag sayo pero hindi ka daw sumasagot. Nasa sayo ang desisyon kung pupun-"

"Pupunta tayo."

Bumilis agad ang pagtibok ng puso ko. I immediately averted my eyes when he looked at me deeper. Dahil sa lalim ng tingin niya sa akin tanging tango nalang ang nasagot ko sakanya.

Ano ba itong nararamdaman ko, sa mga tingin pa lang ni Felix ay agad akong nanlalambot.

"Pupunta tayo kasi kailangan nating mapatunayan sa mga magulang ko. Kung mapapaniwala na natin sila pwede na tayong tumigil sa pagpapangap at hintayin nalang ang annulment natin." wika niya bago ako nilagpasan.

Nakatutok parin ang paningin ko sa pwesto ni Felix sa harapan kahit umalis na ito. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko kanina ay agad napalitan ng kirot pagkatapos niya iyong sabihin sa akin.

Akala ko iyon na iyon..

Kumurap ako ng magsalita si Felix sa aking likuran.

"Pinabilis ko na ang annulment natin, instead of 1 year, napalitan na ito ng 9 months."

Fragile Heart Where stories live. Discover now