Chapter 5

27 23 0
                                    

Napatigil sila Felix at Mrs. Dowry sa pag uusap ng bigla akong tumayo sa sofa. 

Tinignan ako ni Felix na may kinuha sa wallet niya at agad naman akong umiling.

"A-are you s-sure bibilhin mo iyan?" nauutal kung saad sabay turo sa singsing.

"Of course, why?"

"Sure?"

"I'm sure."aniya.

"Sure na sure?"

"Sure na ako nito."inis niyang sambit.

"Final? Di na talaga magbabago ang isip mo?" Please wag mong bilhin baka mawala ko pa iyan, wala akong ibabayad.

"Just shut your mouth. Ako ang magbabayad nito hindi ikaw." aniya.

"Uhm...kasya ba iyan sa daliri na bibigyan mo ng singsing?"

Tumigil si Felix at lihim na tinitignan ang kamay ko. Mabilis ko rin tinago sa likod ang kamay ko at pinalakihan ako ng mata.

"I assure you kakasya po ito sa bibigyan niyo ng singsing" Mrs. Dowry said confidently. "If you don't mind, bakit hindi niyo subukan... Ma'am?"

Tumingin ako ako kay Felix na ngayoy malalim akong tinitignan sa mata.

"Wag na po, okay la-"

Naputol ang sasabihin kung lumakad ito papalapit sa aking pwesto bago ako hinila papalit sa gawi ni Felix na may hawak sa maliit na box.

"Sige na e try mo, kakasya talaga ito para sayo." ani ni Mrs. Dowry.

"H-Hindi po ako ang magsusuot ng singsing"

"I know, but I know it really looks good on you." ani niya bago bumaling kay Felix. "Mr. Del Fuego, subukan niyo nga po ipasok ang singsing sa daliri niya."

Nagulat kami pareho ni Felix pagkasabi niyang iyon. Kitang kita ko ang pag dadalawang isip ni Felix ipasuot sa akin ang singsing.

"Mrs. Dowry, wag na po-"

Nanlamig ang kamay kung hinawakan agad ni Felix ang aking kaliwang kamay. Marahan niya iyong  ipinasok ang singsing sa daliri ko.

"Kitams? I told you kakasya talaga sayo ang singsing Ma'am at bagay na bagay po sa kamay niyo." ani ni Mrs. Dowry sa amin.

Binitawan agad ni Felix ang kamay ko at agad naglabas ng card sa kanyang wallet.

"Kasya nga talaga..."saad ko na nakatuon ang mga mata ko sa singsing. Ang ganda niya nga...

"Remove that ring." matigas na saad ni Felix habang inabot nito ang kanyang card kay Mrs. Dowry.

Mabilis ko naman iyong itinangal sa daliri ko at ibinalik iyon sa loob ng box.

"Let's go." saad ni Felix bago kinuha ang box na wala man lang ipinasok sa paper bag saka ako hinila palabas sa shop.

"Thank you Mrs. Dowry" palaam ko sa may ari kasi hindi maganda kung lalabas ka lang ng walang paalam.

Mabilis itong naglakad papunta sa kotse niya. Naglakad lang ako ng mabagal kasunod niya ng bigla itong magsalita.

"Bilisan mo ang lakad mo Ms. Sullivian, napakabagal." ani niya at padabog na pumasok sa kotse.

Mabilis akong sumunod at pumasok sa kotse niya. Pumikit ito ng mariin bago bumaling sa akin. May problema ba siya?

Inabot niya sa akin ang box na hawak niya.
"Keep this ring. Susuotin mo lang ito pag kailangan nating mag pangap sa mga magulang ko. Naintindihan mo Ms. Sullivian?"

Tinignan ko muna siya sandali bago nilipat ang tingin sa box. Napakamahal ito kaya ko ba itong tangapin.

"Thank you for this, napakaganda. Pwede ka namang bumili ng hindi mamahalin o plain lang na singsing."

"I'm doing this for myself Sabrina, for the sake of this f*cking marriage. Wag mong seseryosohin ang mga bagay na ginagawa o sinasabi ko sayo sa tuwing nandiyan ang mga magulang ko. It's all a play." seryosong saad niya.

Marahan akong tumango sa sinabi niya. Kung iyan ang gusto niya, doon narin ako.

"Naintindihan ko.." tipid akong ngumiti sakanya bago nilagay ang maliit na box sa sa bag ko.

"Good, mabuti ng magka intindihan tayo."

Biglang tumunog ang cellphone ni Felix at agad niya iyong tinignan. Naging curios tuloy ako ng makita ang mukha niyang gumuhit ng matamis na ngiti.

Nakita ko siyang nag tatype at maya maya ay tumingin ito sa akin.

"Pwede bang mag commute ka nalang muna ? May importante kasi akong lakad na pupuntahan ngayon."

"Huh? Uhmm, Oo naman..." Napakurap pa ako sa sinabi niya saka ko binuksan ang pintoan ng kanyang kotse.

Sino kaya iyon? Bakit nakaya niyang pangitian si Felix pagdating kasi sakin parang dinadala na niya ang problema sa mundo.

Hindi ko pa naisira ng tuluyan ang ang pinto ng kotse niya ng makarinig akong may sinambit siya na pangalan.

"Hello Amber, Babe?"

Fragile Heart Where stories live. Discover now