Chapter 18

25 20 5
                                    

Sabrina POV.

"Thank you nga ulit dito,may pa bulaklak ka pang nalalaman. In fairness ang ganda nito, hindi na siya pinitas sa tabi-tabi." sabay amoy ko sa bouquet na binigay ni Kassian sa akin.

Naglalakad kami ngayon sa hallway ng hospital habang bitbit ko ang bouquet na binili sakin ni Kassian. Nagulat pa nga ako ng bumisita ito bigla sa opisina ni Hugo habang bitbit itong bouquet, ni hindi pa talaga siya natakot sa rekasyon ni Hugo pagkakita nitong bulaklak.

"Masaya ako na nagustuhan mo, Part."nahihiya niyang sambit.

Pilit ko namang tinatago ang mga paro-paro na nagliliparan sa tiyan ko. Hindi ako manhid para hindi ko mahalata ang mga ginagawa sa akin ni Kassian, naghihintay lang ako na umamin siya una sa akin.

"Di ka na sana nag abala pa. Ito nalang, kakain tayo mamaya sa labas, libre ko."

"Talaga? baka naman ako ulit magbabayad mamaya." aniya.

"Promise, this time ako na. Ilang beses mo na akong nilibre eh, hayaan mo ako naman ang maglibre sayo."

"Aysus, okay lang iyon. Gusto ko lang bumawi sa mga araw na hindi tayo nagkasama." aniya sabay akbay sa akin.

Ito talaga ang palaging ginagawa niya sakin ang pag akbay. Nahihiya naman ako minsan kasi ang daming tumitingin sa amin. Ang higpit kasi ang pagkagapos niya sa leeg ko at ang lapit din ang mga mukha naming.

"Ang sweet naman."

Kumawala kami pareho ni Kassian ng dumating sila Dr. Dhara and Dr. Lure. Nahihiya pa akong ngumiti sakanila ng makita nila akong may hawak na bulaklak.

"Di niyo shinare samin ang tungkol sainyong dalawa. So ano na?" panunukso ni Dr. Dhara.

"Kaibigan ko lang po si Kassian."I smiled faintly.

"Kaibigan? Or Ka-ibigan?" saad din ni Dr. Lure. Sabay silang tumawa ng may pang asar.

"Kass, ano ng status niyong dalawa ni Sabrina? Friends? In a relationship? Complicated?" tanong ni Dr. Lure.

Ano ba iyang pinagsasabi nila. Ito kasing si Kassian may padala-dala pang bulaklak, alam naman niyang maraming mga marites dito.

"We're not in a relationship....yet"

Nagsitilian sila Dr. Dhara at Dr. Lure sa huling binigkas ni Kassian habang naibaba ko nalang ang tingin ko sa sahig sa pagtili nila. Sa totoo lang, kinikilig din naman ako pero palihim nga lang para di halata.

"Anong meron dito? Makatili kayo abot hanggang First Floor." sambit ni Dr. Saison na bagong dating.

"Good morning po Dr. Saison." pagbati ni Kassian sakanya.

Nagpalit-palit ang tingin ni Dr. Saison sa aming dalawa ni Kassian hanggang dumako ito sa hawak kung bulaklak. Nakita ko ang paglaglag ng panga nito at tumaas ang kanyang kilay.

"Oh my gosh, i told you. Sila talaga ang magkakatuluyan sa huli." pagtili niya nila Dr. Dhara at Dr. Lure.

Hinampas agad siya ni Dr. Lure sa balikat. "Anong tuluyan? Hindi pa nga sila. Hindi pa nga nag fifirst move itong si Kassian."

Bumaling agad si Dr. Saison sa akin. "H-Hindi pa pala kayo Sab?"

Feeling ko mukhang kamatis ako ngayon sa sobrang pula sa mga pinagtutukso nila samin. Bahagya akong lumingon kay Kassian na nakangiti lang ngayon, para bang masaya pa ito.

"Kaibigan lang po..."mahina kung saad.

Napaawang agad ang bibig ni Dr. Saison sa sinagot ko. "Hala, p-pasenya na. Kayo kasi eh, halika na nga balik na tayo sa trabaho." sabay hila niya nila ni Dr. Dhara at Dr. Lure pa alis.

"Update mo agad kami Kass ha kung ano na ang status niyo." paghabol pa ni Dr. Lure.

"Mag iingat kayo." dugtong din ni Dr. Dhara.

Naiwan na lamang kami ni Kassian na hindi alam anong unang sasabihin namin. Ang awkward ng itsura namin ngayon dito.

"Pasensya na..."
"I'm sorry..."

Sabay naming sambit. Napakagat ko agad ang labi ko habang pilit naman siyang ngumiti sa akin. Kitang kita ko kung paano din umiiwas ng tingin sakin ni Kassian at hindi ito makatingin sakin ng diretso.

"Wag mo nalang silang pansinin, wala kasi silang mga boyfriend kaya ganon sila makareact."pagputol ko sa katahimikan.

Mahina siyang tumawa at agad nag iwas ng tingin sakin. "Okay lang iyon, palagi kasi nila tayong nakikita magkasama kaya ganon sila maka react."

"Bakit ka pa kasi pumupunta dito na pwede  naman tayong magkita sa labas."

"Ayokong mapagod ka pa."pabulong niyang sambit. Napatingin agad ako sakanya na nakataas ang kilay.

"Ikaw talaga, halika na nga." sabay umunang naglakad. Di naman ako naaapektuhan sakanya dati pag bumabanat siya bakit ngayon para akong na tameme.

"Paano kapag sinabi kung higit pa sa kaibigan ang turing ko sayo?" napatigil agad ako sa paglalakad.

"Wag ka ngang magbibiro ng ganyan."

Mahigpit kung napahawak ang bulaklak sa mga kamay ko habang di ko parin siya nililingonan. Tila nagsimulang magkarera sa loob ng aking dibdib sa bilis ng pagtibok nito.

Narinig ko ang mga yapak sa kanyang mga paa patungo sa pwesto ko na mas lalong ikakabilis ng tibok ng aking puso. Akala ko madali lang makarinig na may aaminin sayo, hindi pala.

Tumigil siya sa harapan ko at pilit na tinatapangan ang kanyang sarili. "Sana nga nagbibiro lang ako..."

"Y-you like me?"

"No...i love you."

Dahil sa sagot niya ay agad akong napa atras dahil sa pagkabigla. He loves me? Kassian loves me.

Hindi ko alam kung umiral ang pagiging tanga ko ng bigla na lamang akong nadulas at saktong sinalo ako ni Kassian sa pamamagitan ng paghawak saking bewang.

Napakurap kurap ako sa sobrang lapit namin sa isat isa.

Ilang segundo kaming nagtitigan ng mapalingon kami pareho nang may sumambit sa pangalan ko.

"Sabrina"

***
Sino kaya sa tingin niyo ang sumira ng moment nila Sabrina at Kassian?

#TeamSassian

Fragile Heart Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt