Chapter 22

14 12 5
                                    

Sabrina POV

"Part, sasama ka talaga?"

Di ko na mabilang kung ilang beses niya na itong tinanong sa akin. Ang kulit eh, alam kung nag alala ito sakin pero umoo na ako kay Mrs. Del Fuego.

Nag aayos ako ngayon sa damit ko para mamaya upang sumama sa mga Del Fuego.

"Okay na ako, ang lakas ko pa nga eh." Mabilis akong tumakbo sakanya at niyakap siya ng mahigpit. Ginulo din niya ang buhok ko pagkayakap ko sakanya sa dibdib.

"Malakas sa mukha mo, kagabi kapa nakalabas at ngayon sasama ka sa mga Del Fuego."

Hinawakan niya ang balikat ko at pinaharap sa kanya.

"Part, gusto kung pumunta sa resort na sinasabi nila. Di ko na matandaan kung kailan ako huling nakapunta ng dagat." excited kung sambit.

Inaalala ko naman kung kailan ako huling nakapunta. I think it's been a while na hindi ako nakatapak ng buhangin.

"Pwede kitang samahan kung saang resort na gusto mo, kung saan mo gusto pupuntahan natin. Baka mapano ka don."

"Part, hindi na ako bata para bantayan pa. Malaki na ako at sinisigurado ko na hindi na ulit ako aatakihin."

Bumagsak naman ang mga kamay niya na nakahawak sa magbalikat ko.

"Part naman-"

"Pabayaan mo siya Kass." singit ni Hugo na bagong pasok sa kwarto ko at nagtungo sa cabinet kung saan nakalagay lahat ng gamot ko.

"Inomin mo muna ang gamot mo bago ka lumabas, para hindi ka hingalin." dagdag niya.

Tahimik lang kami ni Kassian habang tinitignan ang galaw ni Hugo na may nilalagay sa cabinet.

Halos mabigat ang mga kilos ni Hugo. Hindi ito nagsasalita sa amin at patuloy lang ito sa pag lalagay ng mga gamot. Nang matapos na siya ay naglakad narin ito palabas sa kwarto ko.

"Hugo..."tawag ko sa kanya bago paman niya ilabas ang katawan niya sa pintuan.

"Bakit?" tumigil ito at lumingon sa amin.

Walang ka emo-emosyon ang mukha niya, tila nakatingin lang ito sa amin. Kagabi pa siyang naging cold sa akin ng malaman na sasama ulit ako sa mga Del Fuego.

"Aalis muna ako sandali at babalik din ako ka agad." malalim akong huminga at ngumiti sakanya.

Unti-unting nawala ang mga ngiti ko sa labi ng tumango lang ang naisagot niya sakin bago lumabas. Bumagsak ang balikat ko at bumaba ang aking tingin sa sahig kung saan nakatayo kanina si Hugo.

Pumunta si Kassian sa harapan ko at hinawakan ang aking pisngi dahilan para iangat ko ang tingin sa kanya.

"Magiging okay din kayo, just give him some time to think. Ihatid na kita?" malumanay niyang sambit.

Matipid akong ngumiti sakanya at tumango nalang din. Hinayaan ko nalang na ihatid ako ni Kassian sa address kung saan kami magkikita ni Mrs. Del Fuego.

From: Mrs. Del Fuego

On the way na ako Sab. Take care!

Huminga ako ng malalim bago binalik ang cellphone sa bag ko. Tumingin ako sa labas ng kotse at inalala ang mukha ni Hugo kanina, galit ba siya sakin? Naintindihan ko naman siya eh, gusto ko lang e enjoy ang buhay ko sa labas, i want to live like other people out there.

I turned my gazed to Kassian when I felt his hand on me.

"Nandito lang ako Part ha. Whether you need a shoulder to lean on or you just need someone to talk to. I'm here, nandito lang ako palagi sayo. You don't have to go through anything alone." He stared at me softly.

Fragile Heart Where stories live. Discover now