Chapter 14

21 21 0
                                    

"How's your sleep? Nakatulog kaba ng maayos kagabi?" pagputol niya sa katahimikan.

Tila nawawala ako sa bibilang ng mga kahoy na nadaanan namin sa labas ng magsalita ito. Wala sana akong balak makig usap sakanya kasi na alala ko parin ang nangyari kagabi.

"O-Oo naman, I should be asking you that kasi ikaw ang natulog sa sofa."

"It's fine, babawi nalang ako mamaya pagdating ko sa bahay."

"Di ka ba pwedeng matulog sandali sa opisina mo?"

"I'm tied up at work, ang dami ko pang kailangan gawin sa trabaho." aniya.

"We need at least seven or eight hours of sleep at night para hindi tayo madaling mapagod. Lalong lalo na sayo na you're working, your brain cannot function properly when you don't have enough sleep. Hindi ka makapag concrete at mapag isip ng mabuti sa trabaho mo, sige ka." pagpapaliwanag ko.

Hindi makatakas sa mga mata ko ang pag ngiti niya habang nag mamaneho ito. Totoo ba itong nakikita ko? ngumiti na sa akin si Felix?

"You're a Doctor, kaya alam mo ang ganyang mga bagay." saad niya.

Binalik ko ang paningin sa labas. I am not a Doctor Felix kung alam mo lang.

Napabalik ako sa pag iisip ng may nag vibrate sa bag ko. Tumingin din si Felix sa gawi ko ng mapansing dali dali kung kinuha ang cellphone sa bag ko.

Sure akong si Hugo na naman ulit ito.

From: 09*******

Hello Partner, si Kassian ito. Kanina pa ako tumatawag pero hindi ka sumasagot. Nakalimutan mo akong tawagan. ):

Napaupo ako ng maayos at mabilis na nag reply. Si Kassian pala iyong nag missed call sa akin kaninang umaga, nakalimutan ko pala siyang tawagan. Sinave ko agad ang number ni Kassian.

To: Papart

Sorry partner. Saan mo nga pala nakuha ang number ko? Hindi naman kita binigyan noong nagkita tayo last time.

Nilalaro ko sa kamay ang cellphone ko habang naghihintay sa reply ni Kassian.

From: Papart

Humingi ako kay Hugo. Pumunta kasi ako kahapon sainyo sabi kasi ni Hugo na umalis ka daw, kaya humingi nalang ako ng number sakanya.

Yayain sana kitang lumabas at kumain ng Mami kung okay lang sayo. (:

Napakagat ako sa labi ko para piligan ang mga ngiti ko sa mukha. Di parin pala nagbabago si Kassian hanggang ngayon.

"Sino iyan?" halos matilapon ko ang hawak kung cellphone ng magsalita si Felix sa tabi.

"Ah wala, kaibigan ko lang." mabilis kung wika saka bumalik sa pagtatype upang replayin si Kassian.

To: Papart

Oo naman, kita tayo mamaya sa labas ng hospital. Dating gawi? kung sino ang huling makakaubos ay siya ang magbabayad. Game?

From: Papart

Game ako diyan. Basta maghanda ka nalang ng pera mo kasi alam naman natin kung sino ang mananalo dito eh. Remember before? Umiyak ka dahil natalo ka? Haha ( ;

Gusto ko sanang tumawa dito sa loob  pero pinipilit ko lang kasi nandiyan si Felix. Baka iisipin nito na nababaliw na ang asawa niya dito loob ng kotse.

"Mukhang masaya ka yata." aniya.

"Masaya naman talaga ako, palagi." Hindi nawawala ang guhit sa labi ko dahil kay Kassian. Namiss ko tuloy siya.

Fragile Heart Where stories live. Discover now