"AHH!"

Napatilapon siya patalikod at wala man lang tumutulong. Tumakbo ako papalapit sa kanya at tinulungan siyang makatayo.

"Ayos ka lang?" Tanong ko.

"Wag mo akong hawakan!" Pinalo niya ang kamay ko at iniwan ako para pumunta muli sa barrier.

"Passus mivati!" Patuloy niya.

"Hayaan mo na siya, Irine." Hinila ako pabalik ni Nisha.

"Woohoo!" Nakaagaw ng pansin ko ang isang Tyro na mistulang nag-s-surfing sa alon ng tubig. Gamit niya lang ang malalaki niyang mga paa.

"Marami nang magagaling dito kahit Tyro palang. Kaya dapat na kitang turuan para hindi ka mapag-iwanan. Nawawalan na tayo ng oras."

Humarap ako kay Nisha at tumango. "Gagawin ko ang makakaya ko, Nisha."

Ngumiti siya. "Ice enchanter ka, Irine. Ang isang enchanter ay kinakailangang tawagin at gisingin ang spirit na natutulog sa katawan nila. Sa edad mo, dapat noong 15 years old mo pa natawag ang spirit mo kasabay ng pagbabago ng mga mata mo."

Bigla kong naalala ang 15th birthday ko kung kailan sumakit ang mga mata ko at pagkagising ko ng umaga, nag-iba na siya ng kulay.

"Hindi ko kasi alam ang kapangyarihan ko noon kaya wala akong ginawa," sabi ko sa kanya.

"Ayos lang 'yon, hindi pa naman huli ang lahat. Ngayon tutulungan kitang gisingin ang spirit mo. Pumikit ka."

Bakas sa mukha ni Nisha ang determinasyon para turuan ako. Susundin ko ang lahat ng sasabihin niya.

Pumikit ako.

"Ngayon, tanggalin mo ang anumang bagay na gumugulo sa utak mo. Magfocus ka lang sa tibok ng puso mo."

Naririnig ko ang bawat pagtibok ng puso ko. Kabado ako kaya huminga ako ng malalim para mapabagal ang tibok.

"Hayaan mong tumahimik ang kalooban mo. H'wag mong pakinggan ang anumang ingay, ako lang ang pakinggan mo Irine. Ako lang."

Tinanggal ko sa isipan ko ang ingay na nagmumula sa mga sumisigaw na Tyro.

"Pakiramdaman mo naman ang kanang mata mo. Pilitin mong ilabas ang kapangyarihan niya. Pakiramdaman mo lang siya."

Nagfocus ako sa kanang mata ko hanggang naramdaman ko ang pwersa na galing dito.

"Ngayon, isipin mo na nasa isang madilim na lugar ka. Nandiyan lang sa lugar na 'yan ang spirit mo. Nandiyan, umiilaw, at naghihintay na kunin at tawagin mo."

May biglang sumulpot na isang lumulutang na puting apoy sa isip ko.

"Lumapit ka sa kanya, Irine. Hawakan at hagkan mo."

Unti-unti akong lumapit sa apoy. Pinagmasdan ko lang siya na lumulutang sa harap ko. Itinaas ko na ang kamay ko para abutin ang apoy.

"Passus mivati!"

Bigla kong narinig ang isang pamilyar na boses. Kumunot ang noo ko. Si Cyndel ba 'yon?

"Irine? Nakuha mo na ba?" Tanong ni Nisha. Pero sumigaw ang narinig ko kanina, doon ko napagtantong si Cyndel nga 'yon.

Sandali, si Cyndel!

Idinilat ko ang mga mata ko.

"Irine naman!" Hindi ko pinansin si Nisha at hinanap si Cyndel sa kumpol ng mga Tyro.

Nakipagsiksikan ako. "Cyndel?"

Nakita ko siya na itinutulak ang barrier sa pwesto ng guild namin. Kung gano'n, kaguild ko siya!

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterWhere stories live. Discover now