40

22 2 2
                                    

40

"All you have to do is watch the sun set and, on cue, dahan-dahan kang lilingon sa camera."

Tumango ako sa utos ni Direk. Last na ang araw na 'to para sa shoot.

At dahil sa nangyari kagabi medyo maganda ang araw ko ngayon. 

"Okay and... action!"

Pinikit ko ang aking mata. Hinayaan kong sayawin ng malamig na hangin ang buhok ko habang malayang dumapo sa aking mukha ang sinag ng papalubog na araw. 

Wala akong naramdamang init galing doon. Tanging lamig ng paligid ang yumakap sa katawan ko. Mas lalo pa iyong lumamig dahil nakahawak ako sa malamig na barandila ng view deck.

"Lingon!" Narinig ko ang utos ni Direk.

Ginawa ko naman ng dahan-dahan gaya ng una niyang sinabi. Dahan-dahan ang paglingon ko... ngunit napaurong at hindi na nakangiti nang makita ko si Ryom sa aking harap.

Bakit siya nandito? Ang sabi niya sa akin kanina may gagawin muna siya sa pabrika kaya hindi siya makakasama.

At bakit ganito ang suot niya? Kapareho ang kulay ang suot nito sa suot kong bestida. At ang mas ikinagulat ko ay bakit parang prinsipe ang itsura niya ngayon? Hindi iyon figure of speech. Literal na naka prinsipe na suot si Ryom.

Napaawang ang labi ko. Hindi ko alam kung parte ba ito ng scene o nanggugulo lang itong nobyo ko ngayon? May pabulaklak pa ito sa kamay.

Siguro nanggugulo ang ang unggoy, wala kasi sa script na kasali ito sa scene.

"And cut! Perfect!"

Huh?

Nilingon ko si Direk. Malaki ang tuwa nito at kitang-kita iyon sa mukha niya.

"This is the most perfect shot I had ever!  And galing! Ang bilis." Pumapalakpak ito habang papalapit sa amin ni Ryom.

Nakangiti naman ang huli habang ako ay gulat pa sa kung ano ang nangyari. Ni wala ako sa sarili nang tinanggap ko ang bulaklak na nilahad ni Ryom.

Parte siya ng proyektong ito?

"That was a perfect expression, Miss Fuentes!"

Ilang bati pa ang natanggap ko pero ang gulat at pagtataka ay bakas pa rin sa aking mukha. Saka lang ako nakabawi nang nagsipasukan na kami ng sasakyan.

Nakaalalay sa akin si Ryom. Malaki ang ngiti nito na tila proud sa naging reaksyon ko.

At nang tuluyan na kaming nakapasok ng sasakyan. Sinarado ko iyong maliit na pintuan sa harapan ko para makausap ko ng maayos si Ryom na hindi naririnig ng driver na pinadala sa akin ni Papa.

"Anong ginawa mo doon kanina?" Sa wakas naitanong ko na. 

Kakasara lang nito ng pinto ng sasakyan at hindi pa maayos ang pagkakaupo. Suot niya pa rin ang suit na suot kanina at suot ko pa tin ang bestidang suot ko kanina.

Deritso kami sa resthouse ni Ryom para sa maliit na selebrasyon. Bukas uuwi akong Manila dahil may photoshoot pa daw ayon kay direk. Hindi ko matutupad ang naipangako ko kay Ryom... namula ang mukha ko nang maalala ang gabing pinangakuan ko s'ya.

Teka , Winifred! Bakit napunta na doon ang utak mo? 

Erase, erase!

Inakbayan muna ako ni Ryom at hinila palapit dito bago niya ako sinagot. "I was part of the project."

Alam ko 'yon. Pero ang alam ko hanggang accommodation lang sya. Kaya bakit siya isinali sa camera kanina? At nakasuot pa siya ng pang prinsipe?

S'yempre, Winifred e di kasali din siya doon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

beauty series: Not Beauty's TypeWhere stories live. Discover now