16

9 3 4
                                    

16

Hindi ko ininda ang masakit kong pang-upo. Sinikop ko ang letseng bestida hanggang hita ko. Siniguradong walang nakatakas na tela at baka muli ko iyong maapakan.

Nagmartsa ako patungo sa kotse ni Ryom. Hindi ko pa maalala kung alin sa nakaparadang mga kotse ang kanya. At nang may umilaw na kotse, doon ako nagmartsa.

Agad akong pumasok. Malakas na isinara ang pinto, walang pakialam kung masira man iyon. Para naman tabla na kaming dalawa. Ninakaw niya ang una kong halik, sinira ko ang sasakyan niya.

Kaya lang hindi iyon nasira. Kainis din.

Nakangiting Ryom Alforque ang pumasok sa driver's seat. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Buburahin mo ang ngiting iyan o ako ang bubura? Pati iyang mata mo isasali ko."

"Sorry, ma'am!"

Nagseryoso ito pero alam kung pinipigilan lang ngumiti.

Inirapan ko siya. At bago ko pa ibaling ang tingin sa labas ng bintana, nahagip ng mga mata ko ang mga maliit ba dugo sa kamay ni Ryom.

Dahil ba nilagay niya ang kamay sa likod ng ulo ko kanina para hindi ako mabagok sa magaspang na semento? At imbes na ulo ko ang tumama doon, kamay niya ang tumama?

Nagkibit ako ng balikat. Hindi ko naman siya inutusan na gawin iyon.

Bahala siya.

Kulang pa ang bayad na iyon sa ninakaw niya sa akin.

Muli akong napairap. Naalala ko naman ang nangyari kanina.

Nagsimula nang kainin ng dilim ang buong paligid ng Nueva Vizcaya. Nagsimula nang magsi-ilawan ang mga poste sa gilid ng daan. Nagsimula na ding magpakita ang mga bituin sa langit.

Binusog ko ang mga mata sa magandang tanawin na binigay ng gabi nang sinira iyon ng isang tunog galing sa loob ng sasakyan. Nilingon ko si Ryom na inabot ang cellphone nito na nasa harap.

Wala akong intensyon alamin kung sino ang tumatawag sa lalaki pero nakita ko kung sino ang tumatawag. Mama...

Hinahanap na siya ng matapobre niyang nanay.

"Ma?" May isinuksok si Ryom na itim na ewan sa tenga nito bago binaba ang cellphone sa tabi.

Paano niya maririnig ang kausap at paano siya maririnig ng kausap kung inilayo nito ang cellphone? Kumunot ang noo ko. Tila isang malaking puzzle ang tanong na iyon para sa akin. Ayoko namang magtanong sa lalaki, ayokong isipin niya na gumagawa ako ng paraan para kausapin siya.

Pagkatapos niyang ilagay ang nguso sa labi ko? Sapakin ko angbunggoy na 'to, e.

"We're on our way," tumigil ito pagkatapos magsalita. Mas lalong kumunot ang noo ko.

Ilang ikot na ba ng mundo ang hindi ko namalayan at may ganito nang paraan ng pagtawag? Masyado na ba akong nakulong sa sarili kong hawla at ignorante na ako sa mga nangyayari sa mundo?

"Ma, stop it... Fine! I will visit you as soon as I'm confident enough to leave the factory to my employees."

Binaling ko nalang ang tingin ko sa labas. Ang pangit palang isipin na napag-iwanan na ako ng panahon. Alam ko naman na sindya kong magpaiwan. Sinadya kong ikulong ang sarili sa mundo na komportable ako. Pero sumobra yata ako sa ginawa kong pagkulong sa sarili.

Marami akong hindi alam. Para akong naiwan sa panahon ng mga homo sapiens habang ang nakapaligid sa akin ay mga bagong uring klase na ng tao.

Napanguso ko. Naging kuryuso na sa kung anong mga bagong ganap sa mundo na hindi ko alam.

beauty series: Not Beauty's TypeWhere stories live. Discover now