5

11 1 0
                                    

5

Sumakay ako ng tricycle. Sinabi ko sa driver kung saan ako magpapahatid. Sa lumang mall na may kalayuan dito.

Titingnan ko kung may bakanteng pwesto. Doon sana namin itatayo ni Tatay ang parlor shop noon, kaya lang may nauna na sa amin sa bakanteng paupahan. Second option namin ang paupahan ni Merly

Daanan din ang maliit na mall ng mga tao kaya may posibilidad na may customers din na pupunta kung may makukuha akong bakante space doon. Lalo na kapag sabado at linggo.

Kakapasok ko pa lang ng tricycle may tumabi kaagad sa akin. Hindi ko na kailangang tingnan kung sino iyon.

Sa laki ng katawan nito na halos maipit ako sa dingding ng tricycle at sa amoy nitong naging pamilyar na sa akin sa napakaikling panahon.

Hindi ko siya sinita at baka may pupuntahan lang din ito. Ayokong mag assume at baka mapahiya lang ako. Pero pakiramdam ko talaga sumusunod ito sa akin.

Nagbayad na ako nang tumigil ang tricycle. Naunang bumaba ang lalaki dahil hindi naman ako makababa kung hindi ito bababa.

Una kong nilapitan ang karinderya na pinakamalapit sa akin. Tiningnan ko ang kanilang ulam bago nag order.

Naupo na rin ako sa bakanteng mesa pagkatapos mag-order. Hindi na ako nagtaka nang may umupo naman sa bakanteng upuan sa harap ko. Tama ang hinala ko kanina. Sinundan ako ng lalaki.

Dapat sana matakot ako sa pinaggagawa nitong pagsunod sa akin na tila magkakilala kami buong buhay. Ngunit, wala ako naramdamang takot.

Inis meron. Marami.

"You like the food here?" Tanong nito matapos maupo.

Isiningkit ko ang aking mga mata habang tiningnan ito.

"Bakit ka ba sunod ng sunod, ha?"

"You closed the shop early just to eat here? You must love their food."

Kumunot ang noo ko.

Magsasalita pa sana ako pero lumapit na ang isang tindera ng karinderya upang ilagay sa mesa ang inorder kong pagkain. Ginataang monggo iyon at isang tasa ng rice.

"Salamat."

Imbes patulan ko ang lalaki sa aking harap, pinagtuonan ko nalang ng pansin ang pagkain ko. Kailangan kong matapos ng mabilis para may oras pa ako sa paghahanap ng paupahan.

"Isa lang ang ulam mo? You can order another, I will pay for it."

"Isaksak mo sa baga mo 'yang pera mo. Hindi ko kailangan 'yan at wala akong interes. Wala akong pakialam."

Anong akala niya sa akin? Swapang? At anong problema niya kung isa lang ang ulam ko?

"I didn't mean it that way," bumuntong hininga ito.

Inirapan ko siya.

Kung hindi ito sanay na isang ulam lang ang nasa hapagkainan nito. Pwes! Ibahin niya ako. Sanay na sanay ako na iisa lang ang ulam. Sanay din ako na kanin lang ang kinakain.

Tinawag nito ang tindera na naghatid ng inorder ko. Akala ko mag oorder ito ng ibang ulam para sa akin.

"Can you give me the same order she ordered?"

Sumingkit ulit ang aking mata. Kumakain siya ng ganitong ulam? O baka nagpapaimpress lang?

Para kanino naman? Sa akin? Yuck oy!

Bakit ko naman iyon naisip?

Umiling ako. Inalis sa utak ang basurang naisip.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Uminom ng tubig pagkatapos ng huling subo. Hindi ko na hinintay ang lalaking panay sunod sa akin kung kailan ito matatapos.

beauty series: Not Beauty's TypeOnde as histórias ganham vida. Descobre agora