36

9 2 0
                                    

36

May meeting ulit sa kompanya ni Lolo pagkaraan ng dalawang araw. At dahil malaki ang parte ko sa proyektong ito, wala akong magawa kundi pumunta. Ayoko sana. Sinabi ko na rin kay Lolo na hindi ako pumayag na maging endorser ng shampoo. Na kailangan nilang kumuha ng iba para doon.

Kaya lang tapos na ang kabanatang iyon. Final na ang desisyon ng lahat na ako ang magiging endorser. Nakahanda na ang kontrata na siyang pipirmahan ko ngayon.

Binuksan ni Jenna ang pinto ng conference room. Siya ang kasama ko at si Rigor.

Hindi pa ako nakakatapak sa loob ng kuwarto, agad akong sinalubong ng tingin ni Ryom. Natigil ako saglit.

"Miss?" Inilahad ni Jenna ang upuan na para sa akin. Saka lang ako nakakilos.

Sa tabi ni Ryom ay si Mitch. Wala na sa mata nito ang galit at inis na lagi niyang binibigay sa akin tuwing nasa iisang kuwarto kami.

Ngayon para siyang maamong tuta. May mumunting ngiti pa ito sa labi bilang bati sa akin. Hindi ko naman iyon tinugunan.

Iniwas ko ang tingin sa dalawa. May pagtataka man ako kung bakit andito si Ryom, hindi ko na tinanong. Siguro naipaliwanag na iyon ng lalaki habang wala pa ako.

Muntik na kasi akong malate para sa meeting na ito dahil may meeting rin ako sa kompanya ni Papa. Umupo ako sa upuang hinila ni Jenna para sa akin.

Inilibot ko ang tingin sa kasama namin, sakaling may bagong mukha din ang sumali, pero wala. Iniwasan ko ang banda nina Ryom dahil alam kong magtatama ulit ang mata namin. Ramdam ko ang maiinit niyang titig na tila kinukuha ang atensyon ko.

"I'm sorry, I'm late," wika ko.

"You're not late, hija." Si Lola ang nagsalita.

Hinintay ko ang maaanghang na salita galing kay Mitch, pero walang dumating. Muntik na akong mapatingin sa gawi niya kung hindi ko lang naalala na katabi niya si Ryom.

"Now we're complete, shall we start?" Si Lolo naman ngayon. Bakas sa boses na masaya ito nitong mga nakaraan.

"Oh! Before we start, I would like to introduce everyone to Mr. Alforque. He offered his farm in Nueva Vizcaya to be our location for the shoot."

Lahat sila napatingin sa lalaki, habang ako nagkunwaring may tinitingnan sa kamay kahit wala namang kainteres-interesante doon. May tanong ang utak ko sa sinabi ni Lolo kaya lang ayokong isiwalat iyon. Bumuo nalang ako ng sagot para sa tanong ko para matigil na ang utak ko sa kakaisip.

"Nueva Vizcaya is far, Jerald. Our budget for the shoot was already finalized by finance. If we want a setting like Mr. Alforque's farm," tumigil si Mrs. Tan. 

"I don't mean to be offensive, hijo." Tumigil ulit ito saglit. "We can find a farm near Manila, Jerald. Or we could just set up."

"It won't affect the budget, Mrs. Tan."

Muntik na akong napabaling kay Ryom nang magsalita ito. Buti nalang napigilan ko ang sarili at tanging pag-angat lang ng ulo ang nagawa ko.

Tama si Mrs  Tan. Malayo ang Nueva. Kakain iyon ng oras. Mas mabuting maghanap nalang ng malapit na farm.

Parte kasi iyon ng setting sa commercial. Tatakbo daw ako sa isang farm habang nakasuot ng bestida at sinasaway ng hangin ang buhok at ang bestidang suot ko. Magandang ideya ang farm ni Ryom. Kaya lang napakalayo no'n. Isa pa, papayag ba si Mitch?

"I will provide everything, from transportation to accommodation. The rest house is already ready for all the staff that will be part of this project." 

beauty series: Not Beauty's TypeWhere stories live. Discover now