23

4 0 0
                                    

23

Walang masyadong ganap sa buhay ko simula nang dumating kami sa bahay nina Papa. Kain tulog, chika lang ang kadalasang nagaganap.

Minsan hinihilot ko ang mga binti ni Nanay habang nagpapahinga ito. Iyon kasi ang sabi ng doktor noong pumunta ito sa bahay para sa therapy ni Nanay.

Maigi akong nakikinig sa mga sinabi ng doctor kahit pa may mga salitang lumalabas sa bibig nito na hindi ko maintindihan. Mukhang naintindihan naman iyon ni Papa at mukhang wala naman kaming dapat ipangamba. Huwag lang itong inaaubuso ang sarili.

Ang sabi ng doktor, kung nahihirapan na, magpahinga lang.

Dahil medyo naging boring na ang buhay ko, sinusugod ko si Tatay sa kuwarto niya. At aba! Ang tatay ko naman ay abala sa mga kausap nito para sa parlor shop namin. At ayon sa pagkakaalam ko, magiging salon na iyon at hindi basta-bastang parlor shop lang. Nakisali din naman ako sa meeting, pero hindi ako nagpapakita sa kausap ni Tatay sa camera sa laptop nito. May opinyon din ako minsan, pero ang pursigido at interesado talaga ay si Tatay.

"Miss Winifred, pinapatawag po kayo ni Sir." Agad akong tumayo mula sa pagkahiga sa kama ni Tatay.

Hinalikan ko si Tatay sa pisngi bago lumabas. Abala pa rin ito sa kausap at tiningnan lang ako saglit at tumango.

"Asan po si Papa?"

"Nasa sala po. Andoon din po si madame."

Tumango ako at sumunod na sa kasambahay. Sa malawak at engrandeng hagdan kami dumaan. Nasa gitnang bahagi pa lang kami, nakita ko na agad sina Nanay na nakaupo sa sala. Actually, ang buong first floor ng bahay ang natatanaw ko ngayon.

Kaharap nila ang dalawang babae na nakapang opisina na damit. Itim na blazer at itim na skirt ang isa. Ang isa naman ay itim din na blazer at itim na pantalon. Parehong maayos na nakapusod ang buhok. Kasama nilang nakatayo si Rigor na itim din ang suot kagaya ng dalawa.

Nang marinig ni Nanay ang tunog ng mga paa ko, nag-angat ito ng tingin sa akin. Agad lumawak ang ngiti at tumayo. Sumunod si Papa.

"Here is our daughter!" Anunsyo ni Nanay habang pumalakpak ng kaunti.

Medyo natamaan pa ako ng hiya dahil nakatingin na ang lahat sa akin. Pati iyong mga kasambahay na naglilinis ay napatingin din sa akin.

Siguro nandidiri sila sa akin at sa suot ko. Nakadress kasi ako ngayon. At kulay pink pa. At spaghetti strap pa iyon! Pinili iyon ni Nanay kaninang umuga. Iyon daw ang susuotin ko ngayon. At ang buhok ko naman ay nakatali ang kalahati at kinulot ni Nanay ang dulo. Nag mumukha akong ewan habang tinitingnan ko ang sarili sa salamin kanina.

Maganda naman ang pagkakaayos sa akin ni Nanay. Hindi ko nga lang nakilala ang sarili nang makita ang itsura. Para akong nagbabalat-kayong prinsesa kahit sobrang layo ko naman sa isang totoong prinsesa.

Isang daang bundok ang layo ko o ba nga higit pa.

"Isn't she pretty?" Matinis ang boses ni Nanay dahilan ng pagkahiya ko.

Tumawa si Papa at sinalubong ako para lang mahagkan ang sentido. Iginiya agad ako ni Papa katabi kay Nanay at sa kabila ko ay siya naman.

"Ang ganda-ganda po, Mrs. Fuentes. Kamukhang-kamukha n'yo po!"

"Sabi ko naman kasi sa inyo!" Inayos ni Nanay ang aking buhok kahit pa maayos naman iyon, bago ito bumaling ulit sa dalawang babae. "Take a seat, please and let's start the meeting."

Meeting saan?

Saka ko lang napansin ang mga magazine na nakalapag sa maliit na mesa. Namilog ang mga mata ko. Hindi pa ako nakarec0ver ay inilahad na sa akin ni Rigor ang ipad nito. Binigyan din ako ni Papa ng gano'n kaya alam ko na ang pangalan. Bungad agad sa akin ang isang napakagarang gown na nakita ko buong buhay.

beauty series: Not Beauty's TypeWhere stories live. Discover now