29

5 1 0
                                    

29

Sa resthouse na kami dumeritso. Nagulat pa ako nang makita na andoon si Nanay. Malaki ang ngiti nito para sa akin. Nang makalapit ako sa kanya agad niyang sinapo ang mukha ko at hinalikan ang aking noo. Buti nalang walang putik sa bahaging iyon ng aking mukha.

"Go take a shower, anak." Si Papa bago tiningnan si Ryom. "Ikaw dito ka muna. Mag-uusap tayo."

"I brought you some clothes, anak. Iyon na ang suotin mo."

Hindi ko napansin ang sinabi ni Nanay. Ang sinabi ni Papa ang kumuha ng atensyon ko.

Ano ang gagawin niya? Ipabugbog si Ryom? Pero teritoryo ni Ryom ang lugar na 'to!

"Pa!" Medyo kinabahan ako sa puwede nitong gawin habang naliligo ako. "Wala naman po siyang ginawang masama. Hindi nga niya pababayaran ang mga napitas kong prutas para sa inyo."

At bakit ako ang kinabahan at ang unggoy hindi? Siya ang bubugbugin sa amin hindi ba?

"Anak, take a shower first."

"Pero pa..." tangina naman neto. Bakit kailangan kong maawa sa unggoy na 'to. Bakit ba kasi natutunan ng puso kong tumibok sa lalaking hindi ko naman dapat type? Ayan tuloy kailangan ko siyang salbahin sa kamay ni Papa. "Huwag naman po ninyong ipabugbog... please?"

"Oh no no, honey!" Sinapo ni Nanay ang mukha ko. "He won't do that. Your father and I already talked about this."

"Come on." Lumapit si Ryom sa akin. Binitawan naman ni Nanay ang mukha ko. At hinawakan ni Ryom ang aking braso. "Ihahatid kita sa bathroom."

"P-pero—"

"I'll be fine. You don't have to worry." Hinaplos ni Ryom ang pisngi ko gamit ang nakabaluktot nitong hintururo.

Hindi ako kumalma sa ginawa niya. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

Pero sa ibang rason. Tumatalon-talon ang puso ko na parang malanding daga na nakakita ng keso.

"I will just talk to him, Winifred anak." Paninigirado ni Papa.

Tiningnan ko siya at ngumiti ng maliit. Seryoso naman itong nakatingin sa amin ni Ryom.

Siguro galit din siya sa akin?

Pagkahatid ni Ryom sa akin sa banyo ng bahay nagpaalam ito agad para bumalik sa kung saan sila Nanay. Nagmamadali naman ako sa pagligo para maabutan ang kanilang pinag-uusapan.

Nang matapos maligo halos patakbo akong lumabas ng bahay. Naabutan ko sina Papa at Nanay na kaharap si Ryom. Nasa malawak na teresa sila ng bahay nakaupo, at sa gitna at may malaking lamesa na puno ng pagkain.

Nang makita ako ng tatlo, natigil sila sa kung ano man ang kanilang pinag-uusapan. Si Nanay lang ang ngumiti sa akin. Si Papa ay seryoso ang tingin bago bumaling kay Ryom na may pagbabanta sa bawat titig nito sa lalaki. At si Ryom, seryoso man ang mukha, may ningning naman sa mga mata nito na tila bituin ako sa mga paningin niya.

"Ano po ang pinag-usapan n'yo, pa?" Una akong nagsalita. Kahit alam ko naman kung saan napunta ang usapan nila.

Alam kong hindi siya masaya na magkasama kami ni Ryom ngayon. At hindi ko iyon maitanggi dahil kitang-kita niya ang posisyon namin ni Ryom kanina. Hindi naman iyon malaswa, pero sa mga mata ni Papa hindi iyon kaaya-aya para sa kanya.

Galit siya sa lalaki at sa pamilya nito, at ang makita akong kasama si Ryom, nakapulupot pa ang mga braso nito sa kawatan ko at wala pang pang-itaas na damit ang lalaki, baka mas lalong ikinagagalit iyon ni Papa.

"Are you hungry, anak?" Imbes na sagutin ang tanong ko inilahad nito ang pagkain sa mesa.

"Oh come on, Edmundo!" Si nanay na mahinang tinapik ang braso bago ako binalingan at ngumiti.

beauty series: Not Beauty's TypeWhere stories live. Discover now