6

9 1 0
                                    

6

Dumating ang araw ng huling kontrata ko sa paupahan ni Merly at wala pa rin akong nakikitang malilipatan ng parlor shop. Lahat okupado na. May ibang bakante puro sira-sira na ang bubong at ang loob ng paupahan. Sobrang delikado na para sa mga magiging kliyente namin ni Tatay.

At ang lalaking bwisita ko sa kubo namin ni Tatay ay panay sabi sa akin na hindi ko na kailangang umalis sa parlor shop namin. May ibinigay pa itong bagong kontrata.

Lahat ng nakasulat doon ay pabor sa akin gaya ng sinabi niya. Too good to be true, ika nga. Sa isip ko isa lang iyong malaking scam. Isang budol.

Pero nang tingnan ko ang pangalan ng attorney na gumawa no'n, at sinubukan kong isearch sa keypad kong cellphone, isang sikat na lawyer pala ang abogado ng lalaki. May perma pa iyon kaya hindi budol ang kontratang binigay ng lalaki sa akin.

At kung budol man, ano ang makukuha niya sa akin? Ang mga hair brush ng parlor? Ang plantsa ng buhok? Ang mga gunting sa parlor? O baka ang mga salamin?

Makailang beses kong binasa ang nasa kontrata. Wala akong nakikitang deperensya doon.

"Sign it, Winifred. Kung may hindi ka gusto, ipapaayos ko."

Napahilot ako ng sentido.

Mabuti nalang walang kliyente at natutukan ko ng maigi ang kontratang bigay ng lalaki. Halos na-memorize ko na nga ang mga letrang andoon.

"Lessor..." basa ko sa pinakamababang bahagi ng papel, "Ryom Alforque."

"Lesse... Winifred Villasis," basa ko naman sa pangalan ko na katapat ng sa lalaki. "ignature over printed name."

Napangatngat ako ng kuko sa aking hinlalaki.

"Pipirmahan ko ba ito o hindi?"

Nagtatalo ang magkabilang bahagi ng isip ko. Ang sabi ng isa, Oo, maganda iyon sa dahil hindi ko na kailangang magbayad ng renta. At kung gusto ko man ay ako na ang bahala kung magkano ang buwan. Ang kabilang bahagi naman ng isip ko ay tumutol. Isa daw itong malaking patibong. Hindi ko pa lang nakikita sa ngayon. Pero ang mga katulad ng lalaking ito, mayaman at tila nadadaan lahat sa pera ay laging may hidden agenda.

Benentot ko pa kung pepermahan ko ba o hindi.

Inilibot ko naman ang paningin ko sa loob ng parlor shop. May kaunting gamit na doon na nailagay ko na sa kahon. Hindi ko alam kung saan ko dadalhin ang mga gamit sa parlor kung aalis ako dito.

Maliit lang ang kubo namin ni Tatay. Kung kasya man iyon sa bahay, wala naman kaming espasyo. Magiging okupado ng mga gamit sa parlor ang kubo namin at mahihirapan kaming gumalaw.

At hindi ko pa masisiguro kung kailan ako makakahanap ng malilipatan. Baka abutin ako ng pagkasira ng mga gamit bago ako makahanap ng lugar na puwedeng malipatan.

Napabuntong hininga ako.

Gusto kong pirmahan iyon. Kaya lang dahil sobrang taas ng pride ko at ng prinsipyo ko na ayaw kong makipag-ugnayan sa mga mayayaman, kaya hindi ko iyon mapipirmahan.

Huling araw ngayon ng kontrata ko sa paupahan dito at wala pa akong kongkretong desisyon. Mabuti pa ang pabrikang pinatayo ni Ryom. May pundasyon na.

Oo. Sinubukan ko nang huwag kalimutan ang pangalan ng lalaking iyon. Baka sakaling maisipan kong pirmahan ang kontrata, at nang mapasalamatan ko siya na hindi 'ang lalaking iyon' ang tawag ko sa kanya.

Nakahalumbaba ako sa counter. Pinunit ko pa ang isang pahina ng logbook ng parlor para magpractice ng pirma habang nag-iisip.

"Wini..." gumuhit ako ng malaking 'W' at sinunod ang mga kasunod na letra sa aking pangalan sa maliit na titik. "Villasis..."

beauty series: Not Beauty's TypeWhere stories live. Discover now