13

7 2 3
                                    

13

"Anong ginawa mo?" Nakapamaywang si Tatay habang naglalakad patungo sa akin.

Agad akong pumunta sa maliit naming lamesa para gawin iyong harang kay Tatay. May kutob kasi ako na kukurutin niya ako sa singit.

"Ang alin po?" Maang-maangan ko kahit alam ko na ang tinutukoy niya.

At bakit siya galit? Tama naman na paalisin ko si Ryom sa bahay dahil pangit naman tingnan na may lalaki sa kubo namin at hindi namin iyon kaano-ano. Okay sana kung pinsan ko si Ryom o kahit may dugo man itong Villasis. Pwede iyon.

Pero ang lalaking iyon ay isang estranghero. Kahit pa tinulungan niya kami sa shop— na ewan ko kung bakit niya ginawa. Hindi pa rin magandang tingnan na nakatira siya sa bahay namin.

Isa pa, masyadong nanghimasok na ang lalaking iyon sa buhay ng may buhay. Bakit hindi nalang siya magpukos sa buhay niya at hayaan nalang kami ni Tatay.

"Wag mo akong ma alin-alin—" napatigil ito nang lumabas si Ryom galing sa loob ng aming kubo. Dala nito ang duffel bag na dala niya noong pilit itong sumama sa akin. Mukhang andoon na sa loob ang lahat ng gamit nito.

Mabuti. Mabuti.

Pinagkrus ko ang dalawa kong kamay sa harap ng aking dibdib. Tinaasan ng kilay ang lalaki. Para itong na evict sa bahay ni kuya dahil sa pormahan nito ngayon.

Hindi ako sigurado kung totoong matamlay ito o baka akting-aktingan lang para kaawaan. Itong si Tatay mabilis pa namang maawa. Baka tatakbo itong presidente ng mga santo kaya ganito ito kabait.

"Ryom, hijo! Ibalik mo ang gamit mo sa loob. Huwag kang umalis, nagbibiro lang ang anak ko." Sinubukan pa ni Tatay agawin ang bag ng lalaki.

"Hindi iyon biro—"

"Itikom mo iyang bibig mong bakla ka!" Pinutol agad ako ni Tatay.

Napangiwi nalang ako. Aba't ako pa ngayon ang masama?

"Hindi na ho. Pwede naman ako sa pabrika. Pasensya na po sa abala."

Nagpaawa epek pa ito. As if maawa ako sa kanya.

"Naku, Winifred! Ang maldita mo talagang bata ka!"

Kulang nalang ibalibag ako ni Tatay sa talim ng tingin nito sa akin.

Bakit ba siya galit. May matutulugan naman ang lalaki. Puwede siyang magalit kung wala itong matutuluyan. Pero meron naman, e. Ang yaman pa ng lalaking ito, kaya niyang makahanap ng bahay na pwede niyang tirhan habang andito siya.

"Hijo, naman. Akala ko ba Tatay mo na ako. Bakit mo iiwan ang Tatay mo?"

Muli akong napangiwi.

Anong akting ito, tay? Alam kong paborito mo si Nora Aunor, Sharon Cuneta at sino-sino pa iyang artista na umiiyak sa T.V, pero hindi mo kailangang gayahin ang iyakan nila para lang maawa sa'yo ang lalaking ito.

May nalalaman pa itong paluhod-luhod. Ako ang nandiri at nahihiya sa pinagagawa ni Tatay ngayon.

"Please.... hijo. Huwag kang umalis. Huwag mong iwan si Tatay..."

Nasira lalo ang mukha ko. Para akong napilit manood ng teleseryeng bagsak ang ratings dahil iyon lang ang kaya ng antenna.

Hindi naman ako puwedeng umalis dahil nakasalalay ang kinabukasan ko rito. Ayokong tumira si Ryom sa bahay namin. Ayokong makipag-ugnayan sa kanya. Tama na ang ugnayan na meron kami— na ito ang may-ari ng lupang kinatitirikan ng aming parlor shop. Ayoko ng may madagdag pa sa ugnayan na iyon.

Nag-angat ng tingin ang lalaki sa akin. Kitang-kita niya gaano kasira ang mukha ko, walang makakapinta no'n kahit kasing galing ni Van Gogh ang pintor.

"Hindi naman po ako lalayas, tay. Sa pabrika lang po ako, may gagawin. Uuwi naman po ako dito bukas.'

beauty series: Not Beauty's TypeWhere stories live. Discover now