4

11 1 0
                                    

4

Mainit ang tingin ko sa lalaking kaharap habang nilagay ko sa maliit na mesa ang hapunan namin. Naghihintay lang ito kung kailan ako matatapos.

Panay sipat nito sa mga pagkain sa harap at hindi pinansin ang mainit kong tingin. Kung pwede nga lang may lumabas na apoy sa mga mata ko, kanina pa ito tustado.

Huling inilagay ko sa mesa ay ang kainin na bagong luto. Naupo ako sa kanyang harap at kumuha na ng pagkain para sa sarili. Hindi ko na siya inimbita kasi nasa harap na naman siya ng pagkain.

Hindi ko din siya tinanong kung kumakain ba siya ng pagkain namin. Wala akong pakialam kung kumakain ba siya sa hinain ko o hindi. Hindi ko siya bisita kaya bakit ko siya pakakainin ng masarap?

Tiningnan ko ang ulam ko. Tatlong tuyo, inihaw na talong at dinengdeng na may isang piraso na inihaw na bangus, tiyan na parte ng isda.

"Kung ayaw mo, pwede kang umalis at maghanap ng pagkain—" hindi ko pa natapos ang sasabihin nang kumuha na ito ng pagkain.

"Hoy!" nasaway ko siya kaagad nang kinuha nito ang nag-iisang bangus sa dinengdeng ko.

Ang swapang ng lalaking ito. Inangkin talaga ng isang tiyan ng bangus. Pwede naman kami maghati no'n. Pero dahil isa siyang bwisita, sa akin dapat iyon. Ako ang nagluto, ako ang may-ari ng bahay at ako ang bumili ng isdang iyon kahapon!

"Kumakain ako nito," ani pa nito at kinagatan ang isda ko.

Sumubo na rin ito ng gulay. Kumuha ng isang tuyo at kanin.

Wala akong nagawa kundi sumimangot nalang. Hiniling ko na sana matusok sa lalamunan nito ang tinik ng isda.

Kaya lang, mahina yata ang kapit ko kay Lord dahil hindi nangyari ang hiling ko.

Tinapos ko ang aking hapunan na may sama ng loob. Pinakain ko na si Bruno kahit pa sabi ko kanina hindi ko pakakainin ang malanding iyon.

"Ikaw ang maghugas ng mga pinagkainan. Bayad—" hindi ko tinuloy. Baka isampal pa nito sa akin na sobra-sobra na ang ibinayad nito sa usapan namin kanina.

"Huwag kang mag-alala, ma'am. Magaling akong maghugas ng plato. Baka hanap-hanapin mo ako pagkatapos nito."

Umirap ako. Mahangin din ang isang 'to.

Pumasok ako sa bahay. Iniwan siya sa labas na nagliligpit ng mga plato.

Tinungo ko naman ang aking kuwarto. Naghahanap ng unan at kumot para sa bwisita. Bwisit siya pero hindi naman kaya ng konsensya ko na patulogin ito habang nanginginig sa lamig mamaya.

Isang manipis na unan na gawa sa mga lumang damit ang nakita ko. Tama na ang isa para dito, at hindi siya pwedeng magreklamo kung matigas iyon.

Lumabas ako sa aking kuwarto na bitbit ang unan at kumot. Balak ko na sa terasa patulogin ang lalaki. May mahabang upuan naman doon na gawa sa kawayan. Pwede na siya roon.

Hindi ko naman pwedeng patulugin ito sa kuwarto ni Tatay at baka magwala iyon pag-uwi. At kung sa kwarto ko naman. Ang swerte naman niya kung ganon.

Isang tao lang ang pwede sa kuwarto ko at sa kuwarto ni Tatay. Ang maliit na sala sa labas ng aming kuwarto— para sa akin hindi naman iyon sala kasi walang gamit na andoon.

Makintab na sahig na gawa sa kawayan, makikita mo ang silong ng aming kubo, ang dingding na may mga medalyang nakasabit at may maliit na bintana na gawa din sa kawayan. Pwede sana ang lalaki doon— iyong tinutukoy ko na sala pero hindi sala. Kaya lang ang kuwarto ko ay walang pinto. Tanging manipis lang na kurtina ang takip sa pintuan.

Baka gapangin ako ng lalaki kapag mahimbing na ang tulog ko. Sobrang swerte niya kapag nagkataon.

Naabutan ko siyang naghuhugas na ng mga plato. Nasa paanan nito si Bruno na natutulog.

beauty series: Not Beauty's TypeWhere stories live. Discover now