15

13 2 2
                                    

15

"Anong ginagawa mo dito?"

Sinubukan kong burahin ang gulat na meron ako sa mukha. Bakit andito ang unggoy na ito? Diba may party pa siya doon sa pabrika niya?

"Bakit ka umalis?" Tanong nito imbes na sagutin ang tanong ko sa kanya.

"Bakit ka andito?" Tanong ko ulit. Iwinaksi ko ang aking kamay para bitawan niya ako.

Malalim ang tingin ni Ryom sa akin. Para itong gutom na buwaya at ako ang natipuhang kainin. Galit ba ito?

"Because you're here."

"Hindi pa tapos ang party mo, ah."

"Then why did you leave?"

Masama bang umalis sa lugar na ayaw sa akin? Anong gusto niya? Tanggapin ko nalang ang mga panliliit ng nanay niya?

Hindi man niya alam iyon, at hindi na niya dapat malaman iyon. Alam na alam naman ni Ryom na ayaw kong pumunta sa party niya.

Alam niya dapat na pilit lang ang pagpunta ko doon. Kaya hindi na siya dapat magtaka kung umalis man ako sa pagtitipon na iyon.

Binalik ko na ang tingin sa harapan. Alam na n'ya ang sagot sa kanyang tanong. Bakit kailangan ko pa s'yang sagutin?

Nagkukulay kahel na ang paligid. Mas lumamig na din ang hangin.

At dahil manipis lang itong suot kong bestida, nakaramdam na ako ng lamig. Pasimple ko namang niyakap ang sarili para kahit papaano mabigyan ng kaunting init ang aking katawan.

Wala pang isang segundo, naramdaman ko na agad ang telang pumatong sa balikat ko. Nang tingnan ko iyon, ang coat ni Ryom ang sumalubong sa mata ko.

Kung hindi lang ako nilalamig, tatanggalin ko iyon at ibabalik sa lalaki. Kaya lang hindi ito ang tamang oras para pairalin ang pride ko. Ayokong mamatay dahil lang sa lamig.

"Umuwi na tayo," anito.

Galing sa likod ko, pumunta ito sa aking gilid. Ang dalawang kamay ay pinatong sa barandilya katulad ng sa akin.

"Mauna ka na, mamaya na ako."

Narinig ko ang buntong hininga niya. Naiinip ba siya? Kung gano'n mauna siyang umuwi. Hindi ko naman siya pinapunta rito, ah. Hindi ko rin kasalanan kung bakit siya andito.

At paano niya nalaman na andito ako?

Ilang minuto ang lumipas, walang nagsalita sa aming dalawa. Hindi ko siya nilingon at hindi ko siya binigyan ng pansin.

Pinuno ko ng hangin ang aking baga. Pinikit ko na rin ang aking mata habang ginagawa iyon, bago inilabas ang hangin sa aking bibig.

"Let's go, Winifred," muling nagsalita si Ryom.

Pero imbes na bigyan iyon ng pansin, lumabas ang tanong sa aking bibig. Tanong na naglalaro sa aking isip bago ito dumating at istorbohin ako.

"Gaano mo kakilala si Edmundo Fuentes?"

Alam kung magkapareho ang kanilang mundo, pero para kasing iba ang koneksyon ng dalawa at hindi lang iyon simpleng magkakilalang negosyante. May natutunugan akong ibang koneksyon. Hindi ko lang maipunto.

Gusto kong malaman kung bakit iyon ang naging reaksyon ni Ryom noong makita si Edmundo Fuentes. Kung bakit sinabi niyang kailangan naming lumayo ni Tatay sa lalaking iyon.

At kung tama man ang kutob ni Ryom na ang lalaking iyon ang totoo kong tatay, at least kailangan kong malaman kung anong klaseng tao s'ya. Kailangan kong malaman kahit anong impormasyon sa lalaking iyon.

beauty series: Not Beauty's TypeWhere stories live. Discover now