11

13 2 0
                                    

11

Hindi ako galit kay Tatay. Nagsinungaling siya. Oo. Pero naintindihan ko siya. Takot lang siya na baka kukunin ako ni Nanay.

Pero ang tanong ko, bakit? Bakit ngayon pa lang dumating ang problemang ito? Bakit hindi noon? Bakit dumating pa ng dalawampu't apat na taon?

Bakit takot si Tatay? Maimpluwensya ba si Nanay? Hindi naman siguro diba? Walang sinabi si Tatay na may kaya si Nanay sa buhay.

DNA...

Naisip ko iyon. Mahal ang prosesong iyon. Walang ganoong pera si Tatay.

Kaya kanino ang gastos? Kay Nanay? May pera si Nanay? Hindi ko siya kilala. Pero siya ang may gusto ng DNA, diba? May respeto si Tatay kay Nanay kaya pumayag si Tatay.

Ang daming tanong sa utak ko. Tila bumaha ng katanungan.

Itatanong ko sana ang bagay tungkol sa kung sino ang gumastos para sa DNA. Kaya lang...

"Tay, diba may naghahanap sa'yo sa shop?" Naalala ko bigla iyon.

Pakiramdam ko nagsinungaling si Tatay sa parteng iyon, manliligaw kuno niya ang lalaking may buhok na parang dinilaan ng baka. Mukhang nautusan ito na hanapin si Tatay, iyon ang tingin ko ngayon.

Nasapo ko ang aking bibig. Teka lang!

Don't tell me...

Hindi!

Oh my God!

"Kaya kailangan na nating umalis dito, Winifred. Kukunin ka nila sa akin. Noong nasa Nueva Ecija ako, gusto kong magpalit ng numero kaya lang naisip ko na hindi mo na ako makontak. At kung ako ang kokontak sa'yo, magdududa ka. Gusto kong itago sa'yo ang problemang 'to. Kaya lang, tama ka. Kalaunan malalaman mo rin ito."

Parang nabagsakan ng isang truck ang balikat ko. May posibilidad na iyong matandang kasama no'ng lalaki ay ang totoo kong Tatay? O kapatid ba iyon ni Nanay? O kakilala ni Nanay?

Pero bumalik sa akin ang sinabi ng matanda.

"Most of the parents don't want their children to be taken from them. Especially the daughters."

Imposible.

Sa puso ko alam kung si Tatay ang totoo kong tatay. Hindi ko matatanggap na ang matandang iyon ang maaring ama ko.

Dahil doon gusto na ring umalis dito. Kaya lang ayaw kong tumakbo.

Hindi ako minor para matakot. Kaya kong magdesisyon  para sa aking sarili. Hindi ko kailangang mamili kasi may Tatay na ako.

"Winifred, kailangan na nating umalis. Mag-iimpake ka na. May nakita na akong pwede nating malipatan. Doon tayo magsisimula ng panibago."

Umiling ako. Dahan-dahang binaba ang kamay mula sa aking bibig.

"Hindi tayo aalis, Tay. Pinapangako ko sa'yo, hinding-hindi kita iiwan. Hindi ako aalis sa tabi mo. Ikaw ang Tatay ko. Wala ng iba."

Kung ano man ang rason ni Nanay sa hindi nito pagbalik sa akin noon, hindi na iyon importante sa akin. Ang katotohanang iniwan niya ako at hindi na binalikan, tama na sa akin iyon para hindi sumama sa kanya.

Kasi kung gusto niya akong makuha, e di sana noon pa. Noon pa siya bumalik.

"Anak..."

"Hindi, Tay. Dito lang tayo. Ikaw lang ang Tatay ko," buo ang desisyon ko.

Mabuti hindi na bumalik ang matandang iyon sa parlor shop. Hindi ako sigurado kung ano ang magiging reaksyon ko kapag bumalik iyon, ngayong may duda ako kung bakit siya pumunta sa parlor.

beauty series: Not Beauty's TypeWhere stories live. Discover now