2

11 1 0
                                    

2

"Mister, hunghang ka ba? Hindi mo ba ako narinig? Ilabas mo si Merly sabi."

Gago yata 'tong lalaking kaharap ko e. O baka timang. Kanina galit, handa pa naman akong makipagsuntukan dito.

Wala akong pakialam kung mas malaki ang katawan nito sa akin. Kahit kalahati ng katawan nito ang laki ko, kaya ko naman siguro siyang patumbahin.

O baka sa isip ko lang na kaya ko. E ano naman? Basta makaganti ako, okay na 'yon.

"She's not here."

"Asan?" Nakapameywang na ako.

Sinubukang i-intimidate ito. Sakali lang matakot ito sa akin.

Pakiramdam ko kasi, hindi ito taga Nueva Vizcaya. Hindi ito probinsyano kaya hindi nito alam kung paano magalit ang probinsyanang tulad ko.

"She left." Nilakihan nito ang bukas ng pinto. Ikinumpas ang kamay patungo sa loob ng bahay. "You want to come in? Let's talk inside. We're already stealing lots of attention early in the morning."

Napatingin naman ako sa paligid. Tama nga ito marami ang nakatingin sa amin. Nakikitaan ko pa ng iritasyon ang ilan.

Pumasok ako sa loob.

Mababait ang tao dito pero ayaw kong sagarin ang kanilang pasensya dahil sa kaingayan ko.

Inilibot ko kaagad ang aking paningin sa loob ng bahay ni Merly. Naroon pa ang mga kagamitan nito. Ang T.V, ang sofa, ang refrigerator at ang mga mesa. Ayokong maniwala na umalis ito dahil sa nakita ko sa loob ng bahay.

Lahat ng mga gamit ay naroon.

"Asan si Merly?" Hinarap ko ang lalaki.

Baka nagtatago lang ang matandang iyon sa akin dahil alam nitong may kasalanan ito sa akin. Sa oras talaga na makita ko ang Merly'ng iyon, malilintikan talaga ang matandang iyon sa akin.

"Umalis na nga."

"Sinungaling ka," mariin kong wika.

Tinungo ang kuwarto para hanapin si Merly. Hindi naman ako pinigilan no'ng lalaki. Humalukipkip lang at pinanood ako.

"You can check the rooms if you want." Sabi nito pero nabuksan ko na ang isang kuwarto.

"Bakit magulo ang kama? May gumamit nito!" Akusa ko. "Merly! Lumabas kang matanda ka!"

Pumasok ako sa kuwarto. Hinaluglog ang lahat ng tingin ko pwedeng pagtaguan ng matanda.

Tumuwad ako para tingnan ang ilalim ng kama. Binuksan ko ang mga drawers. Tiningnan ko ang ilalim ng kumot baka nagtago ito doon.

Pero ni anino ni Merly ay hindi ko makita.

Marahas akong nagbuga ng hangin galing sa bibig. Naihilamos ang kamay sa aking mukha.

Umagang-umaga malapit na akong sumabog. Hindi pa nga nangangalahati ang araw na iyon.

"I told you, she left yesterday. Around five pm."

Narinig kong nagsalita ang lalaki sa aking likod. Nang lingunin ko ito ay nakasandal ito sa hamba ng pinto. Nakakrus ang maskuladong braso sa dibdib.

May tingin ito sa akin na parang nasisiyahan ito sa nasaksihan o sa pinanood. Sarap bangasan ng mukha!

"And if you're asking who used the bed. The answer is... me. Bago ang kama na iyan. At ang mga gamit na nakikita mo sa loob ng drawer, akin lahat."

beauty series: Not Beauty's TypeWhere stories live. Discover now