33

4 1 0
                                    

33

Hinabol ako ni Ryom noong nakababa na ako sa building niya. Sinubukan niyang magpaliwanag pero ang tanging lumalabas sa bibig nito ay hindi niya maalalang nakita niya si Mitch ng gabing iyon.

"I woke up alone in my bed, baby! Please believe me. There's no evidence that I had sex with that woman. I didn't touch anyone. How could I when I'm deeply in love with you?"

Panay subok nitong hulihin ang kamay ko na lagi kong iniiwas sa kanya. Gusto ko mang paniwalaan si Ryom, kaya lang wala siyang maalala sa gabing iyon. Inamin niyang nalasing nga siya dahil panay bigay ng pinsan niya ng inumin. Sinabi niya iyon noong tinawagan niya ako kinaumagahan pagkatapos ng gabing iyon.

Maniniwala ba ako kung ang resulta ay nasa sinapupunan na ni Mitch?

Umagaw ng ng atensyon ang ginawang pagmamakaawa ni Ryom sa akin. Gusto ko pang palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nagpadala doon. Hindi ako naapektuhan sa mga tingin ng empleyado n'ya.

"I will have this investigated, Winifred. I will ask for a copy of CCTV on that hotel..."

So sa hotel nga siya humantong sa gabing iyon? Walang babae pagkagising niya? Paano kung umalis na si Mitch bago siya gumising?  Hindi niya naalala ang nangyari diba?

At si Mitch, naalala niya lahat.

Kaya kanino ako maniniwala?  Sa tumatanggi o sa babaeng isinalaysay ang nangyari sa gabing iyon, may pinakita pang resulta sa nangyari.

Hindi naman kailangan ni Ryom na magpaliwanag sa akin. Hindi rin naman kami. Lumalabas lang kami. Walang lebel. Nasa stage pa kami ng pagkilala sa isa't-isa. Hindi pa malayo at malalim ang pinagsamahan namin. At gaya nga ng sinabi ko maaga pa lang ang koneksyon na meron kami sa isa't-isa. Kayang-kaya pang putulin.

"Nabuntis mo, Ryom." Mahinahon kong wika. Hindi ko alam kung paano ko iyon nagawa, gayong nanginging ako sa loob. "Panagutan mo." Ang boses ko ay tila isang anghel sa sobrang hinahon. Walang galit o bakas ng dismaya.

'Sinungaling!' Sigaw ng isang bahagi ng utak ko. 'Galit ka! Dismayado ka! Gusto mong sampalin ang babaeng iyon. Bakit ayaw mong gawin? Bakit nagpapanggap ka na okay lang lahat sa'yo?! Sinungaling!'

"No... no, baby. Please... If she's pregnant, hindi ako ang nakabuntis. I can't touch any girls unless it's you, baby. I never touch anyone. When I saw you back at Merly's house, you captured my heart... my soul. Lahat-lahat sa akin ay sumasamba sa'yo. Kaya imposibleng nagalaw ko ang babaeng iyon. Please, baby..." nahuli nito ang dalawa kong kamay. Dinala niya iyon sa kanyang bibig at pinaulanan ng halik.

Kung walang Mitch na nangyari ngayon, inulan na siguro ng kilig ang puso at puson ko. Kaya lang hindi ko magawang makaramdam ng kahit ano sa hawak niya o sa mga halik niya.

Tuwid ang isip ko ngayon sa kabila ng nalaman. Kailangan niyang panagutan si Mitch. Kung hindi niya gusto ang babae, magugustuhan niya ito kalaunan.

At kung anong meron kaming dalawa, makakalimutan niya iyon. Mapapalitan iyon ng magiging pamilya niya. At baka balang araw, pagtatawanan lang niya ang koneksyon naming dalawa.

'Kasinungalingan! Sinungaling ka, Winifred Fuentes! Napakasinungaling mo!'

Nang may humintong itim na van sa harap namin ni Ryom, at lumabas doon si Rigor, gusto kong pasalamatan ang lalaki. Sinalba niya ako kahit pa naiirita ako sa tagal niyang dumating.

"Baby please..."

Buong pwersa kong hinila ang kamay mula sa pagkahawak kay Ryom. Nakita agad iyon ni Rigor kaya malalaki ang hakbang na lumapit ito sa amin ni Ryom.

beauty series: Not Beauty's TypeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon