24

7 1 0
                                    

24

"May kailangan ba siya, anak?"

Hindi ko magawang makasagot sa tanong ni Nanay dahil hindi ko rin alam kung may kailangan ba sa akin ang unggoy na iyon. Kung bakit kasi hindi nalang nagtext. Bakit kailangang pang tumawag.

"I think we sent them an invitation too. Pero tingin ko hindi sila pupunta. Your father doesn't like them." Bumuntong hininga si Nanay.

"Bakit po binigyan kung ayaw naman ni Papa sa kanila?" Naupo ako katabi ni Nanay. Agad nitong hinawakan ang akinh kamay at hinaplos.

Nahiya pa ako dahil ramdam ko ang malambot niyang palad sa may kagaspangan kong kamay. Sana pala naglotion ako kanina.

Pero mukhang wala namang pakialam si Nanay sa kamay ko kung magaspang ba iyon o hindi.

"It was my decision. I had to convince your father for it. Besides, your father wants the world to know about you. He wants everyone to know you are his daughter."

Hindi ba delikado iyon? Paano iyong may galit kay Papa? Baka ako ang pagbuntungan? Alam kong may mga taong galit kay Papa kahit pa walang nagsabi sa akin. Kita ko naman kung paano ka strikto ni Papa sa iba. Hindi na rin ako mabibigla kung may mga taong gustuhin na mawala si Papa. Pero hindi ko hahayaan na mangyari iyon.

"And I know that man won't do anything to harm you or us. Kahit pa pagkatapos ng nangyari bago tayo umalis ng Nueva."

Hinaplos ni Nanay ang pisngi ko. "You don't have to worry, anak. Your father won't do things if he's not sure of our safety. Everything is under his control. Let's put our trust in your father. Hmm?"

Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi. Ngumiti siya at ngumiti na rin ako, tumango kalaunan.

"Now, back to that boyfriend of yours. I promise I won't tell your fa—"

"Boyfriend?! Hindi ko boyfriend 'yon, nay!" Pinutol ko si Nanay. Muntik na akong mapamura kung hindi ko lang nakita na si Nanay pala itong kausap ko.

Malakas itong natawa.

"Nay, hindi ko boyfriend ang lalaking iyon! Ang pangit n'on."

Hindi totoo iyong huli kong sinabi, kaya lang gusto kong paniwalaaan ako ni Nanay na wala kaming kahit na anong ugnayan ni Ryom. Aba'y swerte naman ng unggoy kung meron.

"Hmm..." halatang hindi talaga ito naniniwala.

"Hindi nga, nay. Tanungin mo pa si Tatay."

"But he called you at this hour?"

"Ewan ko sa kanya."

"He likes you."

"Hindi kaya."

"He will be having a hard time in the near future, thanks to your father."

"Hindi nga, nay. Imposible. At isa pa ayaw ko sa mga katulad niya noh!" Tanggi ko pa rin kahit pa wala sa mukha ni Nanay na naniniwala siya sa akin o maniniwala siya mga tanggi ko.

"What about it?"

"Basta! Ayaw ko lang sa mayayaman."

Mahinang natawa si Nanay. Saka ko lang naisip ang sinabi ko. Pero s'yempre hindi sila kasali sa bandang iyon. Magulang ko sila, kahit pa ayawan ko man sila dahil sa kayamanan nila, wala na akong magagawa no'n. Better luck next time nalang siguro ako neto.

"Mukhang nadisturbo ko pa ang gabi ng anak ko, ah." May tukso sa boses nito na dahilan ng pagngiwi ko.

Ang kulit. Sabing hindi nga, e.

"I'll call your father para makaakyat na ito sa kuwarto namin. At para hindi ko na madisturbo ang anak ko."

Napangiwi pa ulit ako. Tawa lang ni Nanay ang sumunod. Wala pang minuto ay may kumatok sa pinto, bumukas iyon at inilahad si Papa.

beauty series: Not Beauty's TypeWhere stories live. Discover now