32

5 1 0
                                    

32

Hindi ako mapakali sa loob ng aking kuwarto. Panay ang lakad ko imbes na matulog.

Hindi pa sumisikat ang araw at pagod ako sa biyahe. Dapat nagpapahinga ako, katulad ng pandak na asong bigay ni Ryom. Ang himbing ng tulog nito kanina pa. Dapat mahimbing din ang tulog ko sa tabi nito, kaya lang hindi ko magawa.

Ano naman kaya ang gustong pag-usapan ni Papa kay Ryom?

Naglakad ako papunta sa pinto ng aking kuwarto. Para sana bumaba patungong opisina ni Papa. Kaya lang ano naman ang palusot ko sa pagpunta ko roon?

Bumalik ako sa aking kama at padabog na umupo. Nagreklamo pa ang aso ko dahil sa aking ginawa, agad din itong bumalik sa pagtulog nang hinaplos ko ang ulo.

Nag-iisip ako ng magandang palusot pero sumikat na ang araw, wala akong naisip kahit isa. At malamang sa mga oras na iyon, tapos na ang pag-uusap nina Papa at Ryom.

Hindi naman siguro binugbog ni Papa si Ryom, ano? Medyo tanggap na yata ni Papa na asungot na si Ryom sa buhay ko. Tanging magagawa lang nito ay bigyan ng masamang tingin ang lalaki at baka mapagalitan pa ito ni Mama kapag may binabalak na masama.

Nang tumunog ang cellphone ko, agad kong kinuha iyon sa pag-aakalang si Ryom iyon. Si Ryom nga, dalawang mensahe na magakasunod ang pinadala nito.

Ryom:
The talk with your father just ended. Don't worry, he didn't punch me or cut my hand.

May natatawang emoji pa sa dulo ng mensahe nito. At ang pangalawang mensahe naman nito ay nagsasabi na uuwi na ito.

Agad akong dumungaw sa bintana ng aking kuwarto. Matatanaw ko kasi doon ang mga papasok sa gate at ang papalabas. Hindi naman nagtagal, nakita ko ang sasakyan ni Ryom na papaalis.

Nakapagdrive ito, at tingin ko okay naman ang pagmamaneho. Medyo kumalma ako dahil mukhang totoo ang sinabi ni Ryom. Hindi ito pinabugbog ni Papa o di kaya ay pinutulan ng kamay.

Tatanungin ko kaya siya mamaya? Pero baka iisipin nitong tsismosa ako? Ano naman ngayon? Imposible naman kasi na tungkol sa negosyo ang pag-uusapan ng dalawa. Magugunaw muna ang mundo bago gawing business partner ni Papa si Ryom.

Tungkol ba sa akin usapan nila? Sinabihan ba ni Papa si Ryom na layuan ako.

Bakit ba kasi ang tagal natapos ng usapan nila? Tatlong oras din mahigit iyon, ah.

Sa araw na iyon hindi mawala-wala sa isip ko kung ano ang pinag-usapan nina Papa at Ryom. Maraming pumasok sa isipan ko na baka iyon nga ang pinag-usapan nila. Gaya ng, pinagsabihan ni Papa si Ryom na layuan ako, binantaan ito, iyong tungkol sa pagiging mag business partner pumasok-pasok din sa isip ko na kalaunan medyo nagkaroon ng saysay. Nalaman ko kasi na importanteng tao din si Ryom sa mundo ng negosyo. Katulad ni Papa halos lahat yata gustong makuha ang atensyon nito at makuha bilang business partner. Hindi man halata pero magaling pala talaga ang unggoy.

Pumasok din sa isipan mo na baka wala sa mga naisip ko ang napag-usapan kanina. At hindi ko alam kung ano iyon. Ang kuryusong bahagi ng aking katawan ay hindi matahimik hangga't hindi ko nalalaman kung ano iyon.

Sa lalim ng inisip ko, tulala na ako sa paningin mg mga kasamabahay ni Papa. Hindi rin naman sila nagtanong. Si Mama rin ay napansin ang pagiging tulala ko.

"Are you okay, my baby? Magpahinga ka muna. Jetlag really sucks."

Maliit lang akong napangiti. Akala ng lahat tulala ako dahil sa jetlag. Pagod din naman ako sa biyahe, pero kaya ko namang gumalaw.

Siguro kailangan ko talagang tanungin si Ryom. Bahala siya kung iisipin niyang tsismosa ako o hindi.

Sa gabing iyon tumawag ang lalaki. Tinanong ko agad.

beauty series: Not Beauty's TypeWhere stories live. Discover now