22

10 1 0
                                    

22

"I l-lost my balance, k-kuya. And I tried to hold Winifred's arm for support, but I still fell. Look! May dumi pa sa kamay ko at sa damit ko."

Dalawang beses na iyong sinabi ni Mitch pero hindi pa rin ito nilingon ni Papa. Ang atensyon ni Papa ay nasa akin lang.

Ang galit nito kanina ay naglaho na parang bula. Ni walang bakas ng galit na andoon kanina.

"Are you okay?" Tanong ni Papa sa akin. Tumango ako.

"I'm fine, kuya. Thank you for ask—"

"I'm not talking to you!" Bumalik saglit ang galit ni Papa kanina. Agad ding nawala at tiningnan ulit ang kamay ko.

"Come, let's get your wound clean."

Isang nakakamatay na tingin ang binigay nito kay Mitch dahilan kung bakit nawala ang dugo sa mukha ng babae. Nakakatawa mang sabihin pero nakita ko kung paano nanginig ang mata nito.

Si Papa mismo ang naglinis ng galos ko habang nakaabang ang mga kasambahay sa amin. Naghihintay sila na baka may biglaang utos si Papa.

Si Mitch naman ay kanina pa pinalayas ni Papa. Narinig ko pa nga na pinagalitan ito ng Mama ni Nanay habang papaalis at ng Tatay ni Nanay.

Napabuntong hininga nalang ako. Ang tatanda na namin para sa ganitong bagay. Ang OA naman kasi ng reaksyon ni Mitch. Hindi ko naman aagawin ang yaman niya.

Pero kahit yata anong sabihin ko hindi iyon maniniwala.

Bahala siyang problemahin iyon.

"Do you want to rest too, anak?" Tanong ni Papa pagkatapos lagyan ng band-aid ang sugat ko. Hindi naman iyon malaki. Hindi naman iyon mag-iiwan ng peklat.

Ngumiti ako at tumango.

Wala naman akong gagawin sa araw na iyon. Gusto kong makipagkwentuhan kay Nanay kaya lang nagpapahinga pa siya. Kailangan kasi niya iyon para hindi siya mabilis mapagod.

Akala ko may iuutos sa akin si Papa kaya niya ako binalikan kanina sa garden. Akala ko tatambakan niya ako ng mga libro para maging kasing talino niya. Hinanda ko pa ang sarili ko para doon.

Sa napapansin ko, walang pressure para sa akin na para bumagay sa mundo nila Papa. Wala silang sinabi na baguhin ko kung ano ang nakasanayan ko. Kung paano ako kumilos o umasta o magsalita.

Hindi ko alam kung dahil ba bago lang nila ako nakasama o ayaw lang talaga nila ako bigyan ng pressure. Alin man sa dalawa, pinagpasalamat ko iyon.

Ayaw ko kasing ipilit ang sarili sa bagay na tingin ko hindi naman bagay para sa akin. Ayokong ipilit ang sarili para lang bumagay ako sa mundong inaayawan ko.

"This weekend, we will go to our house in Baguio to relax. Your mother wanted to go there," sabi ni Papa pagkahatid sa akin sa aking kuwarto. "We will also talk about you being introduced to our business partners."

May reklamo man ako, hindi ko na sinabi iyon. Alam ko naman kasi ang tungkol sa party na iyon. At kahit na ayaw ko sa mga gano'n, wala akong magagawa dahil anak ako nila Papa at kailangang malaman ng kasosyo niya na ako ang anak.

Luh! Feeling ko naman.

Nang iwan ako ni Papa para mapuntahan na nito si Nanay sa kuwarto nila, nagbuga ako ng hangin sa bibig.

Gusto ko ba ang buhay na ito? Gusto ko bang iwan ang probinsya para rito?

Kung noon ko itinanong ang sagot ko ay hindi. Noong, hindi ko pa alam ang kondisyon ni Nanay. Noong hindi ko pa alam ang dahilan nila.

beauty series: Not Beauty's TypeWhere stories live. Discover now