35

4 1 0
                                    

35

May meeting na naman ako sa kompanya ni Lolo. Kahit pa galit na galit ako kay Mitch, pinilit ko pa ring pumunta. Hindi si Mitch ang magiging hadlang ko para hindi ko gampanan ng maayos ang trabaho. Kaya ko naman siyang balewalain. Hangga't maari, hahabaan ko pa ang pasensya ko sa kanya.

Kaya lang nagtaka ako kung bakit maraming bulaklak sa lobby ng kompanya ni Lolo, nang pumasok kami ni Rigor. May dalawang mahahabang mesa na punong-puno ng pagkain.

Wala akong alam kung anong meron sa araw na ito. Ang buong alam ko ay meeting lang ang meron ngayon para sa final na setting kung saan isho-shoot iyong commercial.

Pinilit kong huwag maging kuryuso. Ngunit habang nakikita ko ang lahat na disenyo sa lugar, napagtanto kong gawa ang lahat ng ito ni Mitch.

Maraming lobo ang nasa paligid na halos punuin ang buong lobby. At dadalawang kulay lang ang mga lobo, pink at blue. Ang mga cake na andoon sa gitnang bahagi ng tila maliit na entablado ay ganoon din ang mga kulay.

Wala naman dapat akong pake... pero bakit kailangang dito gaganapin? At bakit kailangang ngayong araw gagawin?

Ayokong isipin na sinadya ito ni Mitch para ipamukha sa akin na wala akong panama sa kanya ngayon. Kaya lang tumatak iyon sa isip ko, e. Hindi ko na mabura-bura.

Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay ignorahin ang lahat ng nakikita. At pagkatapos ng meeting, dederitso na ako sa kompanya ni Papa.

Nang nasa conference na kaming lahat, agaw pansin ang malaking ngiti ni Mitch. Hindi nabura iyon at mas lalo pang lumaki tuwing may bumabati sa kanya.

Nakasuot ulit siya ng dress na hapit sa katawan nito kaya kita na ang umbok sa tiyan.

Mukha naman siyang masaya. Iba sa pinakita niya sa akin noong nakaraang araw. Ngayon, pati ako ay binigyan niya ng ngiti. Ngiting may halong pagmamalaki at panunuya.

Oo na. Siya na ang panalo. Ano naman ngayon? May hinanakit ako, oo pero tanggap ko na naman.

"You're all invited to my baby shower after this meeting!" Masigla nitong imbita sa lahat.

Ang kasama namin sa meeting ay masaya dahil doon. Ako lang yata ang hindi nakikitaan ng ngiti sa mga labi.

Hindi ko kayang ngumiti. Hindi ko kayang maging masaya para sa babaeng ito. At ayokong maging plastik. Noon pa man galit na ako sa kanya. Sa mga binitawan niyang mga salitang puno ng panlalait kay Tatay.

"Let's go, hija."

Akala ko si Mitch ang sinabihan ni Lolo. Hindi kasi ako nakatingin sa kanya dahil nililigpit ko pa ang mga gamit ko.

At nang mag angat ako ng tingin, saka ko lang nalaman ako pala ang kinkausap niya.

"Uh... may trabaho pa po kasi ako, lo."

May trabaho talaga ako sa kompanya ni Papa. Hindi iyon palusot ko dahil hindi ko naman alam na may selebrasyon ngayon.

"Come on! Just stay for couple of minutes. You don't have to stay until the party ends. At isa pa, invited lahat. All the employees in the building will be there. Ikaw pa kaya na apo ko?"

Gusto ko pa sanang magsalita. Umayaw. Hindi naman si Lolo ang may pababy shower, si Mitch naman. Kaya ang babaeng iyon ang may sabi kung sino ang invited o hindi.

Nilingon ko si Rigor. Ang lalaking ito lagi lang tahimik. Kailangan ko ng tulong niya ngayon. Kailangan kong sabihin niya na busy ako.

Kaya lang hindi ito nagsalita. Nasa likod ko lang at hinihintay ang desisyon ko.

beauty series: Not Beauty's TypeWhere stories live. Discover now