17

5 1 0
                                    

17

Nanatiling nakatayo sina Edmundo habang tinatapos ni Tatay ang pag rebond ng buhok ng kliyente. Pati ako ay hindi makagalaw sa kinatatayuan.

Ang aking mga mata ay nakatutok lang kay Tatay. Ayaw kong bumaling sa mga bagong dating. Para kasing tagos hanggang likod ko ang kanilang titig. Nakaramdam ako ng panliliit sa sarili.

At nang tumayo ang kliyente ni Tatay— na tingin ko ay naapektuhan na rin sa kung anong tensyon sa paligid dahil nakayuko lang ito habang nagbabayad— umayos ng tayo si Edmundo Fuentes.

Inayos nito ang suot kahit maayos naman iyon. Inilagay nito ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ng babae na naka wheelchair.

Napatingin ako sa babae. Alam ko na ito ang nanay ko. Lukso ng dugo kung tawagin nila, pero parang pakiramdam ko kasalanan ang tatawagin ko siyang nanay. Hindi patas para kay tatay gayong wala ito simula't sapul sa tabi ko.

Isa pa, paano kung ayaw niya na tawagin ko siya ng ganoon?

"Winifred Fuentes..." panimula ni Edmundo.

"Fuentes?" Napalingon ako kay Ryom na nagsalita. Nakalimutan ko na nasa likod ko lang pala ang lalaki. Nawala sa isip ko na andito siya.

"You're not part of this, boy. If I were you, I would remove myself voluntarily."

Sa sobrang lamig ng boses ni Edmundo Fuentes, nanayo ang balahibo ko sa aking batok. Sa paraan ng pagkabigkas kasi nito animo'y kaya nitong sirain ang kahit sino sa isang kumpas lang kamay kung may humarang dito. At sa mga oras na iyon tingin ko si Ryom ang humara-hara sa daan nito.

"And if I won't?" May hamon sa boses ni Ryom. Siniko ko agad siya sa tiyan. Pinanliitan ng tingin para tumigil ito.

Kahit pa mayaman itong si Ryom feeling ko wala siyang panama sa kaharap namin.

"Force removal is something I really enjoy watching."

"Ed..." mahinang tinawag ng babae si Edmundo Fuentes. Para siguro pakalmahin. Hinaplos pa ng babae ang kamay ni Edmundo na nasa balikat nito.

Nakikita ko ang pagmamahalan ng dalawa sa mga mata nila... Iyon ang napansin ko.

Kung ganoon, bakit ako iniwan? Bakit hindi ko sila kasama lumaki? Bakit ngayon lang nila ako hinanap?

"Or maybe it is something you often do."

At talagang ayaw pang tumigil ng unggoy sa likod ko. Muli ko siyang siniko, sa pagkakataong ito mas malakas na iyon.

"You could say that, Alforque. People nowadays don't know who they are talking to. Most of them wanted to see the beast first before backing out."

May laman ang sinabi ni Edmundo at mukhang alam ko kung ano iyon. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

At mukhang nakuha din ni Ryom iyon dahil nakita ko ang pagtagis ng kanyang mga bagang.

"Not this time."

Magsasalita pa sana si Edmundo nang maunahan ito ng babae.

"Please... Ed. We are here for my daughter."

Kahit na figure out ko na ang totoo, nagulat pa din ako nang marinig iyon mula sa babae. Para bang kinulong ang puso ko ng isang kamay at piniga sa sakit. At nang binitawan na ay sunod-sunod ang tibok no'n. Nahirapan akong huminga.

"I could remove the boy, sir." Nagsalita iyong lalaki na akala ko manliligaw ni Tatay. "Just say so, and I will, sir."

"Stop it, Rigor." Sinaway ito ng babae. Tumahimik naman ito agad at umatras ng isang hakbang. Napakunot ang noo ko dahil doon.

beauty series: Not Beauty's TypeWhere stories live. Discover now