Intro

11.3K 224 61
                                    

Rights

"'Cause we're living in a world of fool. Breaking us down when they all should let us be."

Napangiti naman ako habang dinidiligan ko ang mga halaman. Pumailanlang sa buong garden ang mahinang tunog galing sa Bluetooth speaker ko. Mabuti na lang pala at nagkaroon ito ng discount sa online shop na fina-follow ko! Mas masaya kasing magtrabaho kapag may music ako na pinapakinggan. Mas napapabilis ang ginagawa ko.

Kanina pa mataas ang araw pero katamtaman lang naman ang init. Tumatagaktak nga lang ang pawis ko dahil kanina pa ako sa arawan.

"We belong to you and me."

I felt the sun's warm rays directly on my skin. Mainit pero hindi naman masakit sa balat. Agad akong sumimangot nang namatay ang speaker ko pagkatapos ng kanta.

"Bad trip naman. Ngayon ka pa naubusan ng battery." Pasimple kong kinuha ang speaker na pinatong ko malapit sa may lilim ng puno.

The speaker's blue and red lights are blinking in a rhythmic pattern. Low battery na nga talaga! Sinubukan ko pang itaktak pero wala na talaga.

"Power off," and the Bluetooth speaker died.

"Matatapos ka na ba d'yan, Euphony?" Napapitlag naman ako nang marinig ko ang sigaw ni Mama.

Umiling na lang ako habang inaayos ko ang pagkakatali ng buhok ko. Basang-basa na talaga ako ng pawis. I know I look like a mess now! Maliligo talaga ako pagkatapos nito.

"Malapit na po. Ililipat ko na lang po itong mga paso!" sagot ko.

Binuhat ko na lang ang iilang mga paso na kailangan kong ilipat. Pagkatapos ng ilang minuto, naging satisfied na rin ako sa ginawa kong pag-aayos sa garden.

Siguro naman ay ayos na ito. Nakahanay na rin naman ang mga paso. Maayos na rin ang lagay ng mga halaman. Babalikan ko na lang ulit bukas ng umaga!

After quickly checking out the plants, I stretched my arms out in satisfaction and headed inside the mansion.

"Bantayan niyo kasi muna yung lane niyo bago kayo magpush," ang pamilyar na baritonong boses ang bumungad sa akin.

Napahawak ako sa dibdib ko habang nakatitig sa lalaking nakaupo sa sofa habang tutok na tutok siya sa nilalaro niya. Sinulyapan niya naman ako. Bigla tuloy akong na-conscious sa sarili ko. Pawis na pawis pa naman ako. Ang haggard ko na siguro sa paningin niya!

"Good morning, Euphony. Tapos ka na sa garden?" he softly asked.

Just like the usual days, he would ask me if I am done with my chores. Hindi niya ako itinuturing na iba at kahit busy siyang maglaro nagagawa pa rin niyang sumulyap sa akin para batiin ako.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso habang dahan-dahan akong tumango.

"Oo, katatapos ko lang."

He smirked. This man is a pro player. He would usually spend most of his time playing esports. Sikat na rin siyang streamer bago pa siya nakasali sa team nila ngayon. He is adored by everyone not just because of his looks but because of his wit and strategies when it comes to gaming.

"Invade ko buff ng kalaban. Emman, samahan mo ako," dugtong pa niya pagkatapos niya akong batiin.

I don't get why people are so hooked on this game. Lalo na itong lalaki na nasa harapan ko. Umaga hanggang gabi, naglalaro siya. And sometimes I just find myself searching online how to be that freaking game?!

"Panalo ba?" tanong ko kahit obvious naman ang sagot.

Walang duda naman na panalo siya. Parang hindi ko pa nga siya nakitang natalo.

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Where stories live. Discover now