Chapter 3

4.4K 131 27
                                    

Friends

"Ganda naman niyan Damian. Girlfriend mo?"

Bumungad sa amin ang isang lalaki na may malaking dragon tattoo sa braso. May kalakihan din ang katawan at may buntot ang buhok.

Sinapak niya naman yung lalaking sumalubong sa amin. "Gago, kaklase ko lang. Gagawa kami ng report namin."

"Akala ko naman girlfriend na. Tagal na naming naghihintay na magka-girlfriend ka ulit," sagot naman ng lalaki.

Damian raised his hand. "Busy ako, Bruno."

Nilapitan naman kami ng lalaking tinawag niyang Bruno at nakita kong nag-fist bump sila ni Damian.

"I can't believe you're a tattoo artist!" komento ko.

Damian had me cracking up an hour ago when he gave me a demo on how tattoos are done. I was totally amazed. He works like a pro, and it totally shows in his art.

"Gusto mo ba i-try? Minimal tattoo lang ang kaya ko as of now."

Ngumuso ako. "Pag-iisipan ko pa. Masakit ba?"

Naalala ko yung isang customer niya kanina na nakapikit lang habang nilalagyan ni Damian ng tattoo. Iba't iba kasi ang reaksyon na nakita ko. Some customers are making it sound super painful, while others act like getting a tattoo is a breeze, showing no emotions at all. Hindi ko na talaga alam kung masakit ba o hindi.

"It depends on your pain tolerance," he answered.

Niligpit niya na ang mga gamit niya kasi nangako siya na after ng isang session niya gagawa na kami ng presentation.

I cocked my head to the right. Sinulyapan na rin ang ilang mga equipments.

"Pero based sa experience mo?" tanong ko pa ulit.

Mayabang naman siyang ngumisi. "Parang kagat lang ng langgam."

Halos lahat ng kilala kong may tattoo ganito ang sinasagot nila. Hindi ko alam kung maniniwala ako o dahil siguro sanay na rin sila kaya parang wala na lang sa kanila.

"Syempre sasabihin mo iyan kasi sanay ka na eh!"

"Pwede naman akong mag-suggest kung saang parte maganda magpa-tattoo but let's continue this conversation next time. Let's do our presentation first."

Nagtungo kami sa isang maliit na room sa tattoo shop. Napansin kong may maliit na kama at maliit na table sa tabi nito. May mga damit na nakapatong lang sa isang maleta at ngayon ko lang napagtanto na kuwarto ito ni Damian.

"You live here?" tanong ko. Hinayaan niya namang nakabukas ang pinto kaya kita pa rin kami ng mga kasama niya sa shop.

"Sorry kung dito kita dinala. Hindi kasi ako pwedeng umalis nang matagal sa shop."

Hindi kalakihan ang kwarto pero sakto naman sa amin ni Damian iyon. Hindi ko rin naman naramdaman ang pagiging uncomfortable kasi hinayaan niya namang bukas ang pinto.

"Buong gabi ito ang trabaho mo?" dagdag ko pang tanong. I have a lot of questions. Damian seems to have a lot of things on his plate. Ito siguro ang dahilan kung bakit lagi siyang absent.

"Part-time ko lang ito. Crew ako sa convenience store kapag gabi." Damian placed my laptop on his small table. Ngayon ko mas nakita nang malapitan ang mga hikaw niya. 5 piercings on both ears.

"Really? Paano ka nakakapagpahinga?"

"Tuwing umaga lang. 3-4 hours lang na tulog mabubuhay na ako," natatawa niyang sagot. Hindi naman ako nakaimik. Hindi ko kasi mahanap kung alin ang nakakatawa doon.

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon