Chapter 28

2.5K 71 33
                                    

Burger

“Do you know what’s the problem with you?” panimula ni Jabez.

Humikbi ako at kumuha ng panibagong roll ng tissue. Kanina pa ako umiiyak pero parang hindi yata napapagod yung mata ko. Halos habulin ko na rin ang hininga ko dahil nanghihina na ako.

“Ayokong marinig,” sagot ko.

“That’s the problem with you. Akala mo lagi kang tama kaya hindi ka na nakikinig sa ibang tao,” walang prenong sambit ni Jabez.

Namuo na naman ang luha ko. Parang nag-echo sa akin ang huling sinabi ni Jabez. Am I really selfish? Am I self-centered? Humikbi ako habang inaalala ang pakikitungo ko kay Zero sa mga nagdaang taon.

I realized that maybe... he’s right. Masyado yatang naging mataas ang tingin ko sa sarili ko. I’ve been acting like this just because Zero did something wrong in the past. All he did for the past few years was to chase me and all I did was to push him away. Sumobra na ba ako?

“I hate seeing you like this. I remember your first year in Korea. Ganito ka rin noon,” bulong ni Seira.

“You’re always crying after training. Palagi ka ring tulala. Hindi ka nakain. Hindi ka rin natutulog,” dagdag pa ni Jabez.

Tumingala ako para punasan ang luha ko na kanina pa tumutulo. Mabuti na lang pinuntahan ako ni Jabez at Seira. Hindi ko siguro alam kung anong gagawin ko kapag mag-isa lang ako.

“Do you want us to stay here for the night?” tanong ni Seira.

Hinaplos niya ang buhok ko at niyakap. Namuo na naman ang luha ko at yumuko ako sa balikat niya para yumakap. Naramdaman ko rin na tinapik ni Jabez ang likod ko.

“I’ll make a soup. Dito muna kayo,” aniya.

“P-please... dito muna kayo. A-ayokong mag-isa ngayong gabi,” humikbi ako.

“Yes, we will stay. Sasamahan ka namin ni Jabez,” bulong ni Seira.

Nights like this, I always think of my mother. Kung nandito lang sana siya alam kong paglulutuan niya ako at yayakapin hanggang sa makatulog. All I did for the past few years was to distract myself. Ginawa kong abala ang sarili ko para hindi ako makaramdam ng lungkot.

But tonight... I broke into pieces.

“M-mama...” bulong ko.

“Tita is proud of you,” ani Seira.

“M-miss ko na si mama. G-gusto ko mayakap si mama.”

Humigpit lalo ang yakap sa akin ni Seira.

“It hurts to see you like this, Euphony. Dito lang ako. Dito lang kami ni Jabez. Hindi ka namin iiwan.”

“G-gusto kong mayakap si mama...” I cried like a baby again.

“Isipin mo na lang na ako si tita.”

Humagulgol ako at niyakap nang mahigpit si Seira. Pagkatapos ng ilang minuto bumalik na rin si Jabez dala yung bowl na may lamang soup.

“Halika dito bata. Susubuan kita,” humalakhak si Jabez pero wala akong lakas para matuwa ngayon.

Hinaplos ni Seira ang buhok ko habang sinusubuan ako ni Jabez ng soup. I’m very lucky to have them. Kahit sa mga panahon na sobrang hina ko hindi nila ako iniwanan.

“Matulog ka na. Tatabihan ka ni Seira tapos dito na lang ako sa sofa matutulog,” ani Jabez.

The next day I woke up feeling giddy. Nagmadali akong bumangon para buksan ang pinto ng unit ko. Hindi pa ako naghihilamos at hindi ko na rin inabalang tingnan ang sarili ko sa salamin.

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Where stories live. Discover now