Chapter 26

2.6K 87 28
                                    

Questions

Zero didn’t dare to answer any of their questions. Ilang beses niya ring pinili ang truth tuwing matatapatan siya ng nguso ng bote pero lagi niya ring pinipili na inumin na lang yung alak. Howard’s questions might be annoying, but there’s some part of me that also wants to know his answers..

But he chose to ignore it and proceeded to drink.

“Maglalasing ka lang ba talaga, Zero? Ayaw mo bang sagutin man lang tanong namin?” namumula na si Howard.

We’ve been drinking for almost three hours. Ilang beses na rin akong natapatan pero minsan pinipili kong inumin ang alak minsan naman pinipili ko na lang ang dare. Hindi naman mahirap ang dare nila. Mas ayos na rin kaysa sa mga nakakaloko nilang tanong.

“Isn’t that the plan? To drink?” Zero fired back annoyingly.

“Korni mo talaga. Kahit isang tanong lang pagbigyan mo na kami,” ani Emman.

I’ve been observing them for awhile now. Even after the incident before they remained the same. Zero no longer play for their team, but they still include him in their parties. Napalingon ako kay Zero na namumula na. I almost forgot. He’s not the drinker type. Kaunting shots lang nalalasing na agad siya.

A memory from the past appeared in my mind.

“Tangina, nahihilo na ako. Matutulog na ako,” saad ni Zero.

Tumayo naman ako at kinalabit si Jabez at Seira na namumula na rin sa kalasingan. Kailangan ko pa silang alalayan dahil sigurado akong hindi na nila kayang maglakad nang maayos.

“Thank you, Howard. Mauna na rin kami. Kailangan ko pa ihatid itong mga kasama ko kasi mga lasing na,” tumayo ako at sinubukang alalayan ang dalawa.

“Ihatid ko na kayo,” nagpresinta si Jersey.

Kaya lang nagulat ako nang biglang lumapit si Zero sa amin.

“Ako na maghahatid sa kanila,” nagulat ako dahil biglang umayos ang pagsasalita niya.

“Nahihilo ka na diba? Ako nang bahala sa kanila. Matulog ka na lang.”

“Shut up. I can manage,” iritadong baling ni Zero.

“Huwag na kayo magtalo. Kaya ko naman silang dalawa,” sagot ko kahit hindi ko rin sigurado kung kaya ko nga ba talaga.

“Bobo mo Jersey. Hayaan mo na si Zero na maghatid sa mga iyan,” ani Howard.

Inakay ni Zero si Jabez. Natahimik naman ako habang inaalalayan si Seira. Medyo madilim ang daan pabalik sa tinutuluyan namin. Ramdam ko rin ang buhangin sa flip flops ko habang naglalakad ako.

Zero didn’t try to break the silence either. Wala rin naman akong balak na magsalita. Mas mabuti na rin iyon. Mas kaya ko pang tiisin ang awkwardness kaysa magkaroon kami ng conversation.

Tumatama sa mukha ni Zero ang ilaw mula sa maliliit na poste. Kahit medyo madilim makikita mo pa rin talaga kung gaano kalaki ang pinagbago niya. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung may nagbago sa itsura ko. Siguro mayroon naman kahit papaano?

“Sa dulong room pa kami,” saad ko.

Sinunod naman niya ang sinabi ko. Binuksan ko ang kwarto ni Jabez at pinanood si Zero na ilagay sa kama ang kaibigan ko. Sinamahan niya rin ako na ihatid si Seira sa kwarto. Tahimik pa rin kami kahit ramdam kong sinusundan niya lahat ng galaw ko.

“Thank you sa paghatid,” nagkaroon ako ng lakas ng loob na tingnan siya.

Mapungay na ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Where stories live. Discover now