Chapter 29

2.5K 79 87
                                    

Order

May ulcer ako.

The doctor already prescribed me some medications to improve my condition. May mga pagkain na rin na hindi ko pwede bastang kainin dahil baka ma-trigger ang kalagayan ko. Ito rin pala ang dahilan kung bakit palaging sumasakit ang tiyan ko.

It’s not deadly, but it can kill me if I don’t take this seriously. Kailangan ko nang maging maingat sa mga kinakain ko. Hindi na rin ako pwedeng magpalipas ng gutom.

“Magpahinga ka na lang muna dito,” nag-aalalang saad ni Poppy.

Ilang araw na akong nagpapahinga dahil nawalan ako ng malay pagkalabas ko sa restaurant ni Zero. I passed out because of hunger. Mabuti na lang hindi nakalabas sa media ang kalagayan ko. They will make a fuss out of it. Sinadya ko rin na i-sikreto na lang ito dahil magiging maayos din naman ako.

“Thank you so much, Poppy. Pasensya ka na naabala pa kita.”

“Wala iyon. Ano ka ba? Mabuti nga kasama mo ako. Ano na lang kaya mangyayari sa’yo kung nahimatay ka tapos wala kang kasama?”

Natahimik ako doon. The thought of it scares me. What if nangyari nga iyon? What will happen to me? My parents are dead. Mag-isa na lang ako sa buhay. Paano kung nahimatay nga ako tapos walang nakakita sa akin?

“Send my regards na rin kay Damian. Pasensya na kung naistorbo ko pa kayong dalawa,” ngumiti ako.

“Hayaan mo iyon. Hindi naman kami okay ngayon.”

Humalakhak naman ako. Madalas na nag-aaway si Damian at Poppy pero natutuwa ako kasi going strong pa rin sila. 4 years na rin silang magkasintahan. Kasalan na lang nga yata ang kulang.

“Parang hindi naman bago iyang nangyayari sa inyo. Magbabati rin kayo,” inangat ko ang kamay ko at tinapik ang balikat niya.

“Ewan ko, Euphony. Medyo nakakapagod din kasi naging cycle na lang naming dalawa.”

“But you still love him?”

“Oo naman, Euphony. Mahal na mahal ko si Damian. I will always choose him kahit minsan nahihirapan na rin akong piliin siya,” sagot niya.

“I want to have that courage.”

“I don't know if this will apply to you. Lagi ko kasing pinapaalala sa sarili ko yung mga panahon na wasak na wasak ako,” huminto siya at hinaplos ang buhok ko. “Sa mga panahong pangit na pangit ako sa sarili ko, si Damian lang yung yumakap sa akin. Kahit sarili ko hindi ko mapili pero si Damian pinili ako.”

I suddenly remember the words I’ve said to Zero. Ilang beses ko na siyang pinagtulakan pero bumabalik pa rin siya. He has seen the worst in me pero bumabalik pa rin siya. But he is not a robot. May feelings din siya. It must have been exhausting to come back only to be pushed away.

“It’s always what the person can do out of love,” dagdag pa ni Poppy.

“Thank you, Poppy. I realized something.”

“Wala iyon. I am really rooting for the both of you. Sana magkaayos na kayo.”

I smiled bitterly. “Malabo pero susubukan ko.”

Kasi si Zero kahit malabo—sumubok pa rin siya sa akin. Maybe it’s my turn to do something.

I’ve been living in the past for quite some time. Tuwing nakikita ko si Zero naaalala ko ang ginawa niya sa akin. Naaalala ko pa rin ang nangyari kay mama. But it’s all in the past. Nasa present na ako ngayon. Everyone moved on, but I am still here.

Forgiving him is one step forward. I guess it’s the right moment to focus on the present. Everything has already happened, and I can’t change the past, but I can take action to shape a future that I won’t feel sorry about. I don’t want to experience living with regrets from the past again.

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora