Chapter 19

2.8K 79 41
                                    

Help

"Sure na ba kayo dito?" Damian asked.

Binuga niya muna yung usok galing sa vape bago niya inayos yung gamit na kailangan niya para sa request namin ni Zero. Ilang buwan na rin ang nakalipas nang magkasundo silang dalawa. Pakiramdam ko dahil iyon sa nalaman ni Zero na may girlfriend na si Damian.

I guess everything is good for now. Next month na rin magsisimula yung survival show. May mga hater pa rin ako pero tinanggap ko na lang na hindi talaga mawawala ang hater lalo na kapag public figure ka na.

"Matagal na naming sinabi sa'yo iyan ah?" sagot ni Zero.

"Chill ka lang, Zero. Ito na nga gagawin ko na nga," natatawang sagot ni Damian.

Pinisil ko naman ang kamay ni Zero. Masyado namang atat ang isang ito akala mo talaga inuuto lang kami ni Damian e.

"Hoy, kumalma ka nga. Hindi naman talkshit tropa natin."

Damian chuckled and continued what he's doing. Nilapag niya rin muna yung vape sa isang gilid. Hindi na rin naman ako nagulat nang malaman namin na naninigarilyo si Damian. I know it sounds stereotyping pero nang malaman kong tattoo artist siya hindi na rin ako nagtaka nang sabihin niyang naninigarilyo siya.

"Bakit nga pala sa ankle? Akala ko sa taas ng siko," tanong ni Damian.

"Matching nga kami ni Zero. Ibang usapan pa yung tattoo sa taas ng siko ko."

"Ang korni niyong dalawa," biro niya.

Zero scoffed. "Tangina mo. Sinong korni sa atin? Ginawan mo nga raw ng explosion box si Poppy."

Humagalpak ako ng tawa. Tangina hindi ko alam iyon ah!

"Gago, seryoso ba?" natatawa kong tanong.

I never imagined Damian would do such thing! Siguro masyado lang akong judgemental pero kaya niya rin pala maging korni kapag in love.

"Iba talaga nagagawa ng in love," dagdag pang asar ng boyfriend ko.

Tinaas naman ni Damian yung gitnang daliri niya. "Lakas gumawa ng kwento amputa. Saan mo naman nakuha iyang fake news na iyan Zero?"

Sasagot na sana si Zero nang bumukas ang pinto ng tattoo shop. Iniluwa noon si Poppy at Darlene na may mga bitbit na paper bags.

"Fifth wheel na naman ako ngayong araw. Lord, hindi ka ba naaawa sa akin?" Darlene rolled her eyes when Poppy hugged Damian.

"Ano ba kasing napala mo sa pagpunta sa mga gig ni Simon?" Poppy asked.

Poppy is bubbly—Damian's opposite. Madali rin namin siyang nakasundo dahil madalas siyang sinasama ni Damian kapag nagkikita kaming magkakaibigan. Later on kasama na rin namin siya sa circle namin.

"Wala. Fan pa rin siya," humalakhak ako.

"Yabang mo. Akala mo talaga hindi naging assuming sa kanila ni Zero noon."

Zero smiled sheepishly. "Huh? Ano iyon? Tell me, Darlene."

"Huwag na! Kaya nga tayo pumunta dito kasi magpapa-tattoo tayo diba?" sumimangot ako.

"E anong gagawin ko habang nagpapa-tattoo? Alangang makipagtitigan ako kay Damian?" ani Zero.

Tumikhim si Damian. "Mamaya na kayo magtalo. Sino ba unang lalagyan ko?"

"Ako na muna," mayabang na sagot ni Zero.

"Babe parang gusto ko rin niyan. Matching tattoo din tayo!" Poppy said excitedly.

Damian looked at her. "I'll think about it."

We decided to have an anklet tattoo. In that way we can cover it when we go to school. Sabi nga rin sa akin ni Zero head over heels daw siya sa akin kaya sa ankle. Ang korni niya rin talaga minsan. Paanong head over heels, hindi naman sa heel yung tattoo?

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Where stories live. Discover now