Chapter 8

3.7K 99 26
                                    

Boss

Niyakap ko si Mama nang mahigpit bago umalis. Hindi ko na rin kasi muna siya pinasama dahil inuubo pa rin siya. May kalayuan kasi ang studio na nilaan para sa onsite audition namin kaya minabuti ko na lang na huwag nang isama si Mama.

"Dalhin mo itong mga lunch box ha. Huwag kayong magpapagutom ni Zero!"

Zero chuckled. "Ako na pong bahala sa kaniya Tita Vienna. Hindi po magugutom si Euphony kapag kasama niya ako."

Nilingon ko naman si Zero na ngayon ay nakangisi na. He's just wearing a simple white shirt and denim jeans yet he looks so effortlessly handsome.

Or maybe crush ko lang siya kaya ganito ako? Umiwas na lang ako ng tingin at pinanood si Mama na nilalagyan ng lunch box ang bag ni Zero.

Ngumuso ako. "Ma, ang dami namang pagkain niyan. Nakakahiya kay Zero!"

"Huh? Hindi nga ako nagrereklamo e," Zero said playfully. "Kahit punuin niyo pa po ng pagkain yung bag ko."

Sipsip!

"Ma, punuin mo nga yung bag ng mayabang na iyan!" asar kong sambit.

"What? I'm just going to make use of my muscles," pinandilatan niya naman ako kaya natawa naman ako.

"Huh? Muscles? Gumagawa ka ba ng pangarap?" pang-asar ko kahit sa totoo lang alam kong kaya niya na akong ibalibag kung gustuhin niya man.

"Baka i-headlock kita d'yan. Makita mo!"

Sige nga, gawin mo nga. Hindi ko isinatinig iyon syempre! Umakto na lang ako na para bang hindi ako affected kahit sa totoo lang, matutunaw na ako.

I stuck my tongue out. "Mama mo headlock."

"Ay, Tita Vienna oh! Paki-sumbong nga po itong si Euphony kay Mama," ngumuso pa si Zero at halatang nagpapakampi kay Mama.

"Oh siya tama na iyan. Mag-iingat kayong dalawa ha," si Mama na biglang sumabat dahil alam niyang baka magbangayan na naman kami ni Zero.

"Text ko na lang po kayo," niyakap ko ulit si Mama.

"Ako na pong bahala kay Euphony," pasikat pa itong si Zero at talagang nag-flex pa ng muscles niya.

Kinuha na rin ni Zero yung bag niya. Walang kahirap-hirap niya itong binitbit at parang pinanindigan niya nga yung sinabi niya kanina.

Pinilit niya rin ako na gamitin ang isa nilang sasakyan. Ayaw ko pa sana noong una pero mapilit siya kaya pinagbigyan ko na lang din.

"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Zero sa kalagitnaan ng byahe.

"Hindi nga ako kinakabahan eh. Abnormal na ba ako?"

He chuckled. "Luh? Hindi mo alam? Tagal na kaya."

"Parang tanga," I said a little bit angrily.

Sinalpak ko na lang ang earphones sa magkabilang tainga ko at pinanood ang choreography ng sasayawin ko. Hip-hop ang pinili ko kasi mas magaling ako rito. Nakapagpractice na rin ako ng kakantahin ko kaya sa tingin ko ayos na rin ang lahat.

Excited din yata si Darlene at Damian para sa akin kasi nag-text pa talaga sila para lang suportahan ako sa araw na ito. Kahit papaano mas lalong lumakas ang loob ko kahit alam kong marami ring mas magaling pa sa akin.

Darlene:

Good morning, bruha. Good luck! Magpapaulan ako ng alak kapag pumasa ka. I love you.

Me:

Gago ka talaga hahahahaha. Thank you, Dar. I owe you a lot. I love you more.

Damian:

Good luck, Euphony!

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Where stories live. Discover now