Chapter 9

3.5K 106 29
                                    

Drive

It didn't really go well for us after that incident. I always excuse myself whenever Zero is around. I just hate it when someone plays with my feeling. Hindi ko kasi siya maintindihan. Sometimes he makes me feel that I am more than a friend, but he also never failed to make me feel that I am just assuming things.

He never misses a chance to bring me back to reality with my dreams. Zero's got his own way of reminding me that we can't be more than what we are—I'll always just be his friend

Ang galing niya talaga na pagmukhain akong tanga!

"Bakit ang aga mo na naman ngayon, anak?" tanong ni Mama.

Mas maaga akong nagigising ngayon para maaga kong matapos ang mga gawain ko sa garden at mansyon. Malapit na rin kasi ang sports festival sa school. Tuwing may sports festival, may dance competition din. Kasali ang lahat ng school dito sa bayan.

Madalas akong pumapasok ng mas maaga para makapag-ensayo pa kami. May dahilan na ako ngayon para hindi makasabay si Zero sa pagpasok. Tuwing uwian naman mas late din akong nakakauwi dahil may practice din kami after class.

Nasulyapan ko si Zero na bagong gising lang. Magulo pa ang buhok niya at pupungas-pungas pa. Kinuha niya yung box ng fresh milk sa fridge. Kagigising niya pa lang pero nakakunot na agad ang noo niya. Nagkibit na lang ako ng balikat. Ilang beses niya na rin akong sinubukang kausapin pero hindi ko siya pinansin.

"Zero, may cookies kaming ginawa dito ni Euphony. Kumuha ka lang ha..." saad ni Mama habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Zero.

"May practice pa po kami kaya maaga na po akong napasok," sagot ko sa tanong ni Mama.

Zero scoffed. "Talaga ba?"

Imbes na sagutin siya, hinalikan ko na lang sa pisngi si Mama para magpaalam. Isang linggo ko na siyang hindi pinapansin. Masama talaga ang loob ko sa nangyari. Hindi ko rin alam kung ano nang nangyayari sa kanila ni Yelena.

Wala na akong pakialam sa mga gusto niyang gawin. Hindi ko lang talaga matanggap na pinagmukha niya akong tanga. Anong akala niya sa akin? Mukha ba akong appetizer lang na iiwanan niya na lang kapag dumating na ang main course? Hindi ako pampagana lang. I deserve to be with someone who is constant.

"Taray ng laro niyo ni Zero ah. Tagu-taguan kahit hindi maliwanag ang buwan," pambibwisit na naman ni Darlene.

"Gago pwede bang mag shut the fuck up challenge ka muna?"

Nilapag ko muna sa bleachers ang gamit ko. Mayroon pa kaming 2 hours bago magsimula ang klase. Madalas na ginagamit namin itong pangalawang gymnasium para magpractice. Dito rin kasi nag-eensayo yung mga badminton player. Hindi rin naman nila kailangan yung buong area kaya napagkasunduan namin na dito na lang kami.

"Ituturo na raw ni Wendy yung kasunod na step. By partner daw iyon," anunsyo ng kasama namin.

Tumango ako. Katatapos ko lang magpalit ng damit. Nasabi na nga rin sa akin ni Wendy ito. Daring ang kasunod na steps pero hindi na rin naman namin inalintana iyon. Sanay na rin ako kasi matagal na rin naman akong sumasayaw.

"I-a-arrange ko muna kayo by height ha para mailagay ko kayo sa tamang pwesto," saad ni Wendy na nagsisilbing leader namin.

"Eu, kayo na lang ulit ni Froilan. Sanay ka na naman sa kaniya hindi ba?" tanong ni Wendy.

Last year, si Froilan din ang kapares ko sa isang part ng sayaw namin. He's touchy pero parte lang naman iyon ng sayaw namin kaya hinayaan ko na lang din. Chemistry is important in dancing kaya dapat sabayan ko siya para mawala ang awkwardness sa amin.

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Where stories live. Discover now