Chapter 38

2.9K 78 31
                                    

Ready

“Bakit kahit anong hairstyle bagay sa’yo?” tanong ni Seira sa akin.

I let out a laugh. Kanina niya pa kasi sinusubukan ang iba’t ibang hairstyle sa buhok ko. Ilang ulit pa siyang nag-experiment bago siya naging satisfied sa itsura ko.

“Baka may gusto ka pang subukan?” biro ko. “Hindi naman tayo nagmamadali. Mahaba pa naman yung oras.”

“Huwag na. Baka masampal lang kita sa sobrang ganda mo.”

“Thank you, Seira.” I sincerely said.

Marahan niya namang hinawakan ang mukha ko para iharap sa salamin. When her eyes met mine, she immediately smiled. Nanatili kaming tahimik ng ilang segundo bago siya nagsalita.

“This face is a face of a strong woman...” she smiled. “I am very honored to be your stylist.”

“Hindi naman ako magiging maganda kung wala ka,” humalakhak ako.

“Seryoso nga. Kapag gusto mo pang ipagtuloy career mo dapat ako pa rin stylist mo. Magtatampo ako kapag hindi.”

I’ve been with Seira since our pre-debut days. Tandang-tanda ko pa nga kung paano niya ako talakan noon dahil ang kulit ko raw ayusan. She’s one of the people I treasured the most at kung pagbibigyan pa ako ng pagkakataon na ituloy ang career ko sa music industry, gusto ko na siya pa rin ang stylist ko.

“Euphony, nagtext sa akin yung manager nila Simon. Papunta na raw sila,” ani Jabez.

Everyone is busy because today is a very important day. It’s been three months since I released my solo album, and it became really popular. It reached the highest position on the music charts. Kahit sa pre-sale period ay naging sold out agad ang album ko.

Sa totoo lang hindi ko inasahan na ganito karami ang suporta na matatanggap ko. Ang plano ko lang naman talaga dapat ay i-release ang mga kanta na sinulat ko habang inaayos ko ang sarili ko. But it went beyond my expectations.

“Tangina kinakabahan ako.”

Natawa naman si Jabez. “Gaga ilang taon ka nang nagpe-perform. Ngayon ka pa kakabahan?”

“Iba naman kasi ito. Pakiramdam ko bagong tao ako ngayon.”

“Inire ka ulit?”

I frowned. “Shut up. Pasabihan na lang sila na dalhin na lang dito yung lunch ko.”

“Huwag na. Dumating na yung lunch mo,” ngumisi siya.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Mas lalong lumawak ang ngisi niya nang pumasok bigla si Zero sa dressing room. Kitang-kita pa ang logo ng restaurant niya sa bitbit niyang paper bag.

“I told you. Dumating na yung lunch mo.” Natawa siya. “I mean yung magdadala ng lunch mo.”

Zero caught everyone’s attention as he strides into the room. He is sporting his usual outfit, navy blue long sleeve polo paired with his favorite denim jeans.

“I thought you’re busy reviewing for the board exam,” I said still shocked that he’s here.

“I’m not busy when it comes to you.”

“Korni na nilang dalawa. Makalayas na nga,” asar na nasabi ni Seira.

“Abangan na lang natin sila Simon tapos magpa-picture tayo,” dagdag pa ni Jabez.

My heart pounded when I realized that it’s just the two of us. Lumabas na ang iba dahil lunch na. Ramdam ko naman ang paninitig ni Zero kaya tinuro ko na lang yung sofa sa harap ko.

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Where stories live. Discover now