Chapter 1

6.2K 158 84
                                    

Error

It's already 12 in the midnight and I'm still awake. Hindi ako dinadalaw ng antok kaya pinili ko na lang panoorin ang choreography ng napili kong audition piece. After heaps of arguments with Darlene, I've finally made up my mind to jump into the survival show. I guess it wouldn't hurt to take a risk. I am after the prize and my dream and I will do what it takes just to take home that freaking prize.

Hindi ko pa nasasabi kay Mama ang desisyon ko. Darlene promised me that she will help me mula sa video at sa mga damit na gagamitin ko.

Napangiti ako habang pinagmamasdan si Mama na mahimbing na natutulog. I'm doing this for you, Mama. I hope you'll be proud. Sasali ang anak mo sa survival show at sisiguraduhin niyang ipapanalo niya ito.

"Mama, iaahon kita sa hirap," bulong ko sa kaniya kahit alam kong hindi niya naman ako maririnig.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto upang pumunta sa garden. Tahimik na ang mansyon dahil malalim na rin ang gabi. Maybe most of them are sleeping kaya nagulat na lang ako nang makita ko si Zero na nakahiga sa sofa habang naglalaro.

"Tangina nakakagulat ka naman!" I blurted out. Umayos ng upo si Zero at kinuha ang nalaglag na unan dahil nabitawan niya rin sa pagkakagulat.

"Ginulat mo rin ako, Euphony. Buti na lang hindi ko nabitawan phone ko. Bakit kasi lumalabas ka ng ganitong oras?" tanong niya. Hindi man lang siya sumulyap sa akin dahil masyado siyang focused sa nilalaro niya.

"Batak ka naman masyado. End season na ba?" Umupo ako sa tabi niya at nakita kong busy siya sa pagfa-farm. Minsan na rin akong naglaro ng mobile game na ito pero hindi ako tulad ni Zero na lulong. I know the basics but I'm not a pro.

"Oo saka hindi ko account ito. May nagpapa-pilot lang."

"Daya nito. Samantalang account ko hindi mo nilaro. Stuck na lang account ko sa epic!"

Humalakhak naman siya at nagpatuloy sa paglalaro. Minsan na rin akong naglaro nito kasama si Zero. Nakaabot nga ako ng pinakamataas na rank kasi binuhat niya ako kaso biglang natapos ang season kaya bumalik ako sa mababang rank. Pagkatapos noon hindi na ako naglaro.

"Sorry, Eu. Bawi na lang next season," pang-asar niya pang sagot.

"Kanino ba kasing account nilalaro mo?"

Pinanood ko siyang maglaro. Kahit nasa clash na siya hindi siya tulad ng iba kong kakilala na kulang na lang ubusin na ang dictionary ng mga mura kakamura. Well I can't blame them. Kahit ako rin puro mura ang lumalabas sa bibig ko kapag naglalaro nito kaya isa rin iyon sa dahilan kung bakit binura ko na rin ang laro sa phone ko. Si Zero lang talaga ang kalmadong player na kilala ko.

"Yelena."

Parang may bumara sa lalamunan ko nang sagutin niya ang tanong ko. Kapag si Yelena ayos lang. Kahit patapos na ang season ihahabol pa niya para tumaas ang rank, samantalang ako bawi na lang next season.

"Crush mo?" I'm the martyr friend. Kahit masakit ang maririnig kong sagot magtatanong pa rin.

"Tangina panalo!" Hindi niya sinagot ang tanong ko. Napatayo pa siya dahil sa tuwa dahil dehado sila kanina at mabuti na lang na-comeback nila kaya nanalo pa sila.

"Bahala ka nga!" Napapadyak na ako sa inis. Tinalikuran ko na siya at nagmartsa palabas ng mansyon. Agad akong dumireto sa garden nila at binaba ang phone ko sa duyan.

Malawak ang hardin nila kaya kung gusto ko mag-practice ng sayaw sakto ang lugar na ito. Malawak at makakakilos ako nang maayos. Pinindot ko ang play button at nagsimulang sumayaw. Kanina ko pa nakabisado ang choreography at ngayon ko lang susubukang sayawin ulit.

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Where stories live. Discover now