Chapter 39

2.8K 80 13
                                    

Almendrala

“I’m done for today. Let’s go?” ngumiti si Zero.

Sigurado na talaga akong siya lang ang mamahalin ko. Kahit ilang beses siguro akong ipanganak, alam kong siya pa rin ang pipiliin ko.

“Are you sure everything’s okay? I can wait.”

Marahan niya namang inabot ang kamay ko. Pinagsalikop niya iyon at dinala niya sa labi niya para mahalikan.

“Nagbigay na naman ako ng instruction sa general manager. I assure you everything is fine,” mahinahon niyang sagot.

“Okay, if you say so.”

“Magluluto ka ba?”

I nodded. “I’ll cook while we’re waiting for the results.”

Ilang buwan na rin ang nakalipas nang i-take ni Zero ang board exam. Ngayong araw na lalabas ang results at nangako ako sa kaniya na sasamahan ko siyang maghintay. Wala ako sa graduation niya kaya gusto kong bumawi. Gusto kong kasama niya ako sa importanteng araw na ito.

“Mapaparami yata ang kain ko,” sagot niya.

“Kinakabahan ka ba?”

He paused a bit. “Oo, kinakabahan ako.”

I squeezed his hand. Nginitian ko naman siya para kahit papaano mabawasan ang kaba niya.

“Anong iniisip mo? Tell me.”

Inayos ko naman ang seatbelt ko bago ko siya hinarap. Malayo ang tingin niya tila malalim ang iniisip. Alam kong kinakabahan siya kahit hindi niya sabihin.

“Paano kung hindi ako pumasa?”

“You’re going to pass. Sigurado ako.”

“Paano kung hindi?”

“Paano kung pumasa ka?” I fired back.

“I don’t know. I’m just glad that you’re here with me. Kung bagsak edi uulit na lang ako.”

Sumimangot naman ako. “There is a chance of failing, but there is also a chance of passing.”

“I love you,” bulong niya.

“Sometimes it’s better to take risk and embrace uncertainty than live in regret for fearing something that has not happened yet.”

“Your words really hit me... always.”

“I’m just reminding you. I know you gambled for this. Whatever may happen I am always here for you. Okay?”

He gave me a quick kiss on my lips. Agad na umawang ang labi ko nang maramdaman ko ang halik niya. My heart pounded and I can’t believe I am disappointed because I am craving for more.

“I love you.” Hinalikan niya ang kamay ko. “I love you, Euphony.”

“I love you more,” sagot ko.

Pinagmasdan ko lang siya na magmaneho hanggang sa makarating kami sa condo unit niya. His arms immediately snaked around my waist when we entered the building. Habang tumatagal mas lalo na ulit akong nasasanay na maging malapit kami sa isa’t isa.

I am glad that Zero is very patient with me. Inuunti-unti ko rin kasi hanggang sa maging komportable na ulit ako. Hindi rin ako nakarinig ng reklamo sa kaniya kahit inabot pa ng ilang buwan bago niya ulit ako tuluyang mayakap.

“Magluluto ako ng kaldereta,” sabi ko.

“Wait.” Nagulat naman ako dahil hinatak niya ako para yakapin. “Payakap lang.”

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon