Chapter 10

3.6K 114 51
                                    

Bootcamp

"You're freezing. Magpalit ka kaagad ng damit," nag-aalalang saad ni Damian sa akin.

Kararating lang namin dito kina Zero at mas lalo ko lang naramdaman ang lamig dahil huminto na ang ulan. I think it was a huge mistake to run outside the gymnasium while it's raining hard. Hindi ko rin naman kasi inasahan na susunod sa akin si Zero!

"Euphony, kanina pa kayo hinihintay nila Sir Zero. Nasa pool area sila at mukhang ring mainit ang ulo niya," pambungad ni Manong Roldan pagkatapos niya kaming pagbuksan ng gate.

I nodded. "Salamat po. Susunod na po kami."

Nagmadali naman kami ni Damian. Tinuro ko rin sa kaniya kung saan ang pool area samantalang pumanhik muna ako sa kwarto para magbanlaw at magbihis. Sigurado akong lalagnatin na naman ako kung magpapalit lang ako ng damit.

Binilisan ko lang ang pagbabanlaw dahil alam kong kanina pa sila naghihintay. Hindi ko rin alam kung bakit conscious ako sa susuotin ko kaya pinili ko na lang na magsuot ng simpleng shirt at maong shorts. Hinayaan ko na lang din na basa ang buhok ko at hindi ko na rin inisip na patuyuin muna.

"May limang subtopics dito tapos saktong lima tayo kaya toka toka na lang," si Darlene iyon na namataan din agad ako dahil kinawayan niya ako.

Yelena is busy talking with Zero, who doesn't seem to pay attention to what she's saying. Nag-angat ng tingin sa akin si Zero. Tumabi ako kay Darlene at Damian. Nasa harap ko naman si Zero at Yelena. May laptop na nakapatong sa maliit na table at may mga pagkain na rin na mukhang si Yelena lang ang nagbabawas.

"Kapag nasa bootcamp ba kayo pwede bang dumalaw ang mga girlfriend niyo?" rinig kong tanong ni Yelena.

"Dumadalaw ang mga girlfriend nila," mariing sagot ni Zero.

"Edi pwede akong dumalaw?"

Tumikhim naman si Damian. Inayos niya yung laptop na nasa harap namin at tahimik na binasa ang topic na naka-assign sa amin.

"Piliin niyo na lang kung alin ang kaya niyong i-report," Damian suggested.

"So pwede ba?" pag-uulit ni Yelena.

"Yelena, hindi ka naman girlfriend ni Zero e," sabat ni Darlene.

Muntik na akong matawa. Buti na lang napigilan ko ang sarili ko. Napansin ko ring nagpigil ng tawa si Damian. Umasim ang mukha ni Yelena pero agad din naman niyang binawi iyon.

"Oo nga," dagdag pa ni Damian.

Umangat ang sulok ng bibig ni Zero. Mukhang nagulat yata sa pagsang-ayon ni Damian. Kailan pa natutong makisali sa ganito si Damian?

"Bakit kayo ang sumasagot? Si Zero ba kayo? Buti pa itong si Euphony ang bait. Supportive sister talaga!"

Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi naman ako si Zero. Nasa kaniya pa rin ang desisyon d'yan."

"Sabi ko na nga ba iyan ang sasabihin mo eh," sagot ni Yelena.

Why's he taking so long to respond to Yelena's silly question? It's just a straightforward yes or no! Wala naman akong pakialam kung papayag siyang dumalaw si Yelena sa kaniya sa bootcamp. Kung siya ang girlfriend, pwede naman talaga siyang maglabas-pasok doon.

Suddenly, this image popped into my mind. I can't help but get annoyed thinking about Zero playing that dumb game with Yelena sitting on his lap.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mainis dahil sa naisip ko. Kasalanan ko rin naman dahil ako ang nag-iisip ng gano'n! Sumimangot na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa namin.

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Where stories live. Discover now