Chapter 21

2.6K 83 88
                                    

Success

Mama fainted while working. Darlene was the one who called me because Zero rushed my mother to the hospital. Nagtatakang tumingin sa akin ang driver dahil kanina pa ako humahagulgol.

“Ma’am, ayos lang po ba kayo?” tanong niya.

Tumango ako. “Pakibilisan na lang po.”

“Idol po kayo ng anak ko ma’am. Lagi niya po kaming pinipilit na iboto kayo,” the driver said as if it could cheer me up.

I smiled weakly. Hindi ko deserve iyan. It wasn’t my spot to begin with after all. Everything was fake. Napunta ako sa kinalalagyan ko hindi dahil sa paghihirap ko kung hindi dahil sa pera nila Zero.

“Thank you po,” mahinang sambit ko.

I couldn’t thank the driver properly. I feel like I don’t deserve any of it. Now that I found out that it wasn't the fruit of my hardwork, I refuse to believe the praises I’ve heard before. Baka lahat ng iyon bayad lang? I laughed bitterly. Lahat talaga nagagawa ng pera.

“Sana manalo po kayo. Pupunta po kami ng anak ko sa Araneta!”

Nginitian ko na lang ang driver. I’m so sorry for your daughter. Hindi na niya ako makikita sa Araneta. I should’ve done this earlier kung nalaman ko lang agad. Ngayon pa lang kinasusuklaman ko na ang sarili ko. I wonder what they think of me? Siguro naisip ng mga producer na ang kapal ng mukha ko.

Binayaran ko ang driver ng Grab at agad na nagmadali papasok sa hospital. May mga nakasalubong pa ako na sinubukan magpa-picture sa akin pero wala na akong oras. Wala na rin akong pakialam kung maging masama ang tingin nila sa akin.

Halos habulin ko ang hininga ko nang makarating ako sa tapat ng room ni mama. Napatayo naman si Zero at Darlene nang makita nila ako.

“Papasok ako!” I tried to enter but Darlene pulled me away.

“Hindi pwede, Euphony. We should just wait here.”

Darlene tried to hug me but I moved away.

“I can’t stand waiting here while my mother is fighting for life and death. Let me go!” humagulgol na ako.

Nanlambot ang tuhod ko at tuluyan nang napaupo. Darlene hugged me. Kailangan ba talaga lahat ng ito sabay-sabay? Hindi ba pwedeng hinay-hinay lang?

“Euphony...” I heard Zero's baritone voice.

Nag-angat ako ng tingin. He softly looked at me and tried to reach my hand but I hit his hand.

“Don’t touch me!” I angrily said.

His eyes widened a fraction. “I’m sorry. I just want to comfort you.”

“I don’t need your comfort. Bakit hindi ka na lang umalis? Hindi kita kailangan dito.”

Darlene sighed. “Euphony, he is just trying to help.”

“Well thanks for the concern but I don't need it.”

Zero would always find a way to reach me but he did not succeed. Nagtago ako kay Darlene at siya na lang ang niyakap ko habang naghihintay sa doktor.

After thirty minutes of waiting, the doctor finally came out with a sad smile.

“I’m so sorry for your loss, Euphony..”

Tinanguan ko lang ang kaklase ko habang nakatingin sa kabaong ni mama. Mukha lang siyang payapang natutulog na para bang pagkatapos ng trabaho niya ay nakapagpahinga na rin siya sa wakas.

Pinunasan ko ang luhang kanina ko pa pinipigilan. I didn’t have the time to process everything. Parang kailan lang nang makita ko si mama sa audience na may banner na hawak.

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Where stories live. Discover now