Chapter 6

4K 109 45
                                    

Crush

"Iinom pala kami. Sama ka?" Zero asked. He's watching me intently. Pakiramdam ko kahit mga maliliit kong galaw napapansin niya.

Napansin ko naman na umahon na ang mga kaibigan niya sa pool. Kasama rin nila ang mga girlfriend nila na halos magsumiksik na sa kanila.

"Hindi na. Mag-aaral na lang ako sa kwarto."

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sila sa amin. Naramdaman ko namang tumingin sa akin si Emman sabay lipat ng tingin kay Zero na kasalukuyang kumakain ng fries.

"Euphony may ginagawa ka ba? Sama ka sa amin. Iinom kami!" pag-aaya ni Bryle. Nakita ko ang hilaw na ngisi niya. Mukhang nahihiya yata siya dahil sa sinabi niya kanina kay Zero.

Umiling naman ako. "Huwag na. Kayo na lang. Kagagaling ko lang sa sakit."

"Edi huwag ka na lang uminom. Come join us. Kuwentuhan lang naman..." si Joyce naman iyon. Hinawakan niya ang braso ko at bahagyang inalog.

"Kasi an—"

"Please? Minsan lang kami dumalaw dito Eu. Kahit huwag ka na uminom. Sama ka lang sa amin," pangungumbinsi pa ni Joyce.

I sighed. Mukhang wala talaga akong kawala sa kanila ah. Kung ganito ba naman makiusap si Joyce mapipilitan na lang talaga siguro akong sumama sa kanila.

"Fine. Basta kwentuhan lang ah. Hindi ako iinom." Nagpakawala ako ng buntong-hininga.

"Yes!" Joyce immediately hugged me.

Tumango ako at umalis muna roon saglit. Nasabihan na raw nila Zero ang mga kasambahay kaya tutulong na lang muna ako na maghatid ng mga pagkain doon. Pagkarating ko ng kusina nakita kong may mga nakahanda na ring pulutan at sisig.

"Kunin ko na ito Rachel ha..."

Tumango naman siya. "Unahin mo na muna itong pulutan. Ako na bahala sa sisig saka sa mga baso."

Inayos ko na muna ang pagkakasalansan ng mga pagkain. Hindi ko napansin na sumunod din pala sa akin si Zero. May suot na rin siyang sando at board shorts.

"May maitutulong ba ako?" he asked huskily. Muntik na akong mapatalon sa paraan niya ng pagtatanong.

"Huh? Wala! Doon ka na!" pagalit kong sinabi. I didn't mean it but I was startled when he sensually asked me. I'm afraid na baka mahuli niyang kinikilig ako sa kaniya.

"Bakit galit ka na naman?"

"Hindi ah," sagot ko sa mas mahinahon na boses.

Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso sa sobrang lapit niya sa akin. Kinakabahan pa naman ako dahil baka marinig niya kung gaano kalakas yung tibok ng puso ko ngayon.

"Ayos lang ba?" tanong niya pa kaya napalingon na naman ako sa kaniya.

I took a deep breath to calm myself. "Ang alin?"

"Na uminom ako?"

Hinarap ko siya at napansin kong masyado na siyang malapit sa akin. Mapungay ang mga mata niya at diretso ang tingin sa akin. Bumigat ang paghinga ko at nag-iwas ako ng tingin. Kinuha ko na lang ang mga pagkain na dadalhin ko sa pool.

"Ayos lang! I mean ayos lang naman talaga kung anong gusto mong gawin sa buhay mo saka hindi mo naman kailangang magpaalam sa akin."

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Dinala ko na lang agad ang mga pagkain sa pool area. Napansin kong nakaayos na ang mga lamesa at pagkain. Kami na lang ni Zero ang hinihintay. May videoke na rin at nagtatawanan na sila habang kumakanta si Howard at Bryle.

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Where stories live. Discover now