Chapter 11

3.8K 103 46
                                    

Corny

Zero is still the same.

Even after admitting his true feelings for me, he remained the same. Akala ko magkakaroon ng malaking pagbabago sa aming dalawa pero nagkamali ako dahil wala namang nagbago pagkatapos ng gabing iyon.

Masyado yata akong umasa na magbabago na ang lahat dahil lang sa sinabi niyang manliligaw na siya sa akin.

"Inuuhaw ako. May tubig ka ba, Darlene?" tanong ko.

Binigyan kami ni Wendy ng 15 minutes break para magpahinga at kumain kung gusto namin. Kanina pa tapos ang klase namin kaya akala ko uuwi na si Zero pero nandito siya ngayon. Tahimik na nanonood sa bleachers at mukhang yamot na yamot sa sayaw namin.

"Anong tubig gusto mo?" tanong ni Zero na ngayon ay nasa harapan ko na. Bukas na ang una at pangalawang butones ng polo niya. Medyo magulo na rin ang buhok dahil siguro kanina pa siya nagkukulit sa classroom.

Inis ko naman siyang binalingan. "Tinatanong pa ba iyan? Sige tubig panlaba."

"With powder?" inosente niyang tanong.

Tangina talaga. Kung balahura ako, mas balahura pa sumagot ang isang ito.

"Umayos ka nga. Malamang kahit ano!"

"Malay mo gusto mo pala ng Pocari Sweat tapos Wilkins nabili ko edi nagalit ka," ngumuso siya at bahagyang ginulo ang buhok niya.

Nasapo ko ang noo ko. "Mas lalo akong magagalit kung hindi ka lalayas sa paningin ko."

Natatawa niya akong tinalikuran. I'm not sure if it's a good thing that Zero stayed the same because I'm not sure how I'd react if he turns all sweet.

Parang ang hirap isipin na sweet si Zero. Natatawa ako dahil sanay ako na nag-aasaran kaming dalawa. I wonder if it's possible na maging normal sa amin ang pagiging sweet.

Cringe... hindi ko talaga kayang isipin. Mas gusto ko na ganito na lang kami.

"Anong nangyari kay Zero?" Darlene asked. Halata rin sa mukha niya na nagtataka siya sa nangyari. Sino bang hindi magugulat kung parang tuta si Zero na sunod nang sunod?

Kung hindi lang nila naririnig ang pinag-uusapan namin sigurado akong iisipin na nila na sunod-sunuran na siya sa akin.

"Ewan ko. May saltik yata."

Parang walang kaalam-alam si Zero na inaagaw niya ang atensyon ng lahat. Madalas pa naman na gawing tambayan ng mga estudyante ang gymnasium kaya hindi na rin nakapagtataka kung maraming nakatingin sa kaniya. Dito rin naglalaro yung mga volleyball at badminton player at marami rin talagang nanonood sa kanila.

May nakita pa nga ako kanina na sinadyang hampasin ang shuttle cock sa harap ni Zero para malapitan nila.

"Kumain ka muna," hindi ko namalayan na nakabalik na pala si Zero.

"Thanks," tipid kong sagot.

Nakita kong may kinuha pa siya sa supot na dala niya. Mukhang may binili pa siya bukod sa tubig na hinihingi ko.

"Bumili na rin ako ng burger baka nagugutom ka na," napahawak siya sa batok niya habang inaabot sa akin yung burger.

"Huwag mo masyadong baitan ha baka kunin ka na ni Lord," natatawa kong sambit.

"Baka umiyak ka kapag kinuha ako ni Lord."

I let out a loud laugh. "Hindi ka nga sure kung siya talaga kukuha sa'yo eh."

Kinagatan ko na lang yung burger na binigay niya at nanahimik. Akala ko sasagot pa siya sa pang-aasar ko pero umupo na lang siya sa tabi ko.

"Punta tayo ng mall pagkatapos nito," ani Zero.

Something Beneath the Melody (The Runaway Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon